Poster courtesy of IMP Awards © Adventure Pictures |
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Kristin Scott Thomas, Timothy Spall
Genre: Comedy, Drama
Runtime: 1 hour, 11 minutes
Director: Sally Potter
Writer: Sally Potter
Production: Adventure Pictures, Oxwich Media
Country: United Kingdom
Matapos manalo bilang Minister of Health ang pulitikong si Janet (Kristin Scott Thomas) ay naghanda siya ng maliit na salu-salo kasama ang mga malalapit nitong kaibigan. Ngunit nang magsimulang dumating ang kaniyang mga bisita ay napunta ang selebrasyon sa mga hindi inaasahan at mga nakagigimbal na rebelasyon nang isa-isang mabunyag ang sikreto ng asawa ni Janet, ng kaniyang mga bisita at maging ang itinatago niya mismong lihim.
Isang pelikula kung saan ay limitado lang ang setting at sa tunay na kuwento ito nakatutok. Napakasimple lang ng istorya nito na bubuhayin ng sunod-sunod na mga plot twist. Wala na akong masabi sa storyline nito kundi nakakagulat at hindi ko inaasahan ang naging katapusan nito.
Hindi nga lang naging maganda sa paningin ang pagiging black and white nito na masyadong naging pretentious. Hindi natural at medyo nakakawalang gana manood. Ganoon din ang pag-arte ng ilan sa cast na para bang nasa teatro at nagro-role play lang. Magaling si Scott Thomas kaso nga lang ay nasapawan siya ng pagiging overacting ni Cillian Murphy. Mabuti na lang talaga at maganda ang kinalabasan ng kuwento ng palabas at higit sa lahat ang plot twist nito sa dulo.
No comments:
Post a Comment