Search a Movie

Monday, January 22, 2018

Predestination (2014)

Poster courtesy of IMP Awards
© Screen Australia
8 stars of 10
★★★★★★★★ ☆☆

Starring: Ethan Hawke, Sarah Snook
Genre: Drama, Mystery, Sci-Fi
Runtime: 1 hour, 37 minutes

Director: Peter Spierig, Michael Spierig
Writer: Peter Spierig, Michael Spierig, Robert A. Heinlein (short story)
Production: Screen Australia, Screen Queensland, Blacklab Entertainment, Wolfhound Pictures
Country: Australia


Para sa huling misyon ng isang temporal agent (Ethan Hawke), ito ay ang mahuli at mapigilan ang isang kriminal na pinangalanang "Fizzle Bomber" na nakatakdang kumitil ng libong buhay. Gamit ang time machine ay hahanapin ng naturang agent si Jane (Sarah Snook) na matapos manganak ay sumailalim sa isang gender reassignment at ngayon ay kilala na bilang si John. Si John ang tanging makakatulong sa kaniya para mapiliglan ang Fizzle Bomber ngunit sa kanilang pagbalik sa nakaraan ay isang sikreto ang mabubunyag na may kinalaman sa naging takbo ng buhay ni John.

Ito ang pelikulang pasasakitin nito ang ulo mo dahil sa kakaibang kuwento at mga hindi inaasahang pag-ikot nito. Katulad ng ibang pelikulang tumatalakay sa time travel ay may kahirapang sundan ang konsepto nito. May mga pagkakataong malilito ka kung kayat kinakailangan mo talaga ng matinding konsentrasyon sa panonood nito. 

Kukunin nito ang buong atensyon mula sa simula hanggang sa wakas dahil sa maganda nitong storytelling at sunod-sunod na twist. Bukod doon ay madadala ka rin sa galing ng pag-arte ni Snook, makikita mo talaga ang malaking pagbabago ng kaniyang karakter mula sa pagkababae hanggang sa maging isa na siyang ganap na lalaki. Malaki ang naitulong nito sa mind boggling twist na inihanda ng pelikula para sa mga manonood pagdating sa dulo.

Ngunit katulad ng sinabi ko, mahirap na konsepto ang time travel at guguluhin nito ang utak mo sa mga timelines mula sa past, present at future. At ganoon ang ginawa sa aking ng Predestination. Maganda ang istorya at ang mga pasabog ngunit dahil sa sobrang nakakagulat na twist ay iiwan ka nitong maraming katanungan.


No comments:

Post a Comment