Poster courtesy of IMP Awards © Columbia Pictures |
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Jason Sudeikis, Josh Gad, Danny McBride
Genre: Animation, Adventure, Comedy, Family
Runtime: 1 hour, 37 minutes
Director: Clay Kaytis, Fergal Reilly
Writer: Jon Vitti, Mikael Hed (story), Mikko Pöllä (story), John Cohen (story)
Production: Columbia Pictures, Rovio Animation
Country: Finland, USA
Isang origin story sa dating sikat na game app na Angry Birds. Ang kuwento nito ay iikot sa kasagutan kung bakit "angry" ang mga birds sa naturang laro. Ito ay dahil sa pangta-traydor ng mga baboy sa mga ibon. Sa Bird Island kung saan tahimik, masaya at maayos na naninirahan ang mga ibong hindi marunong lumipad, dumating ang mga baboy na nakipagkilala at nakipagkaibigan sa mga naturang ibon.
Ilang araw din silang namalagi sa isla hanggang sa dumating ang araw kung saan isinagawa na ng mga baboy ang tunay nilang pakay. Ito ay ang nakawin ang mga itlog ng mga ibon sa isla upang gawing pagkain.
Ang mga bidang sina Red (Jason Sudeikis), Chuck (Josh Gad) at Bomb (Danny McBride) ang mamumuno sa pagsalakay sa Piggy Island upang bawiin ang mga itlog na ninakaw mula sa kanila. Ngunit bago ang pagsalakay ay kinakailangan nilang hanapin at hingin ang tulong ni Mighty Eagle (Peter Dinklage) ang sinasabing protektor ng kanilang isla na ilang taon nang hindi nagpapakita.
Nakaka-engganyo sa paningin ang animation ng Angry Birds. At kahit ilang taon nang huli ang pelikula mula sa kasikatan ng Angry Birds ay nandoon parin ang kaunting excitement at curiosity na alamin ang kanilang kuwento. Sa simula ay hindi ko nagustuhan ang pagiging bastos ng bida na hindi magandang ehemplo sa mga kabataang manonood nito. Bukod sa brusko ay boring din ang naging characterization ni Red. Mas umangat pa ang sidekicks nito at ilang supporting characters niyang siyang magbubuhat sa first half ng pelikula.
Ngunit sa pagtagal ng palabas at nagsimula na ang adventure ng tatlong bida ay unti-unti na ring gumanda ang takbo ng kuwento nito. Nag-improve humor nito kahit na may pagka-corny parin ng dialogue. Mga puns at iba't-ibang references ang nagpasaya sa palabas. Sa huli ay naging lovable ang mga karakter at mapapa-wish ka na lang ng part 2.
No comments:
Post a Comment