Search a Movie

Tuesday, October 15, 2019

The Founder (2016)

Poster courtesy of IMP Awards
© The Weinstein Company
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Michael Keaton, Nick Offerman, John Carroll Lynch
Genre: Biography, Drama, History
Runtime: 1 hour, 55 minutes

Director: John Lee Hancock
Writer: Robert Siegel
Production: The Weinstein Company, FilmNation Entertainment, Faliro House Productions
Country: USA


Isang tindero ng milkshake mixer si Ray Kroc (Michael Keaton) na matagal nang hindi pinapalad sa kaniyang pinasok na negosyo. Isang oportunidad ang nakita ni Kroc nang dumating ang araw na makatagpo nito at makilala ang magkapatid na sina Maurice "Mac" (John Carroll Lynch) at Richard "Dick" McDonald (Nick Offerman), ang nagmamay-ari at bumuo ng fast food restaurant na McDonald's.

Agad nakaisip si Kroc ng pagkakataon upang palitan ang kaniyang estado sa buhay. Kinumbinsi niya ang magkapatid na kunin siya bilang franchise agent ng kanilang restaurant na agad namang tinanggap ng dalawa kalakip ng isang kontrata. Nahirapan man sa simula ay unti-unting napalago ni Kroc ang McDonald's hanggang sa umabot sa puntong nagkaroon na ng hindi pagkakaintindihan ang kampo ni Kroc laban sa magkapatid na McDonald dahil sa pagdedesisyon ng nauna sa mga pagbabago ng restaurant.

Hindi ko alam kung bakit pumayag si Ray Kroc na gawing biopic ang kaniyang buha gayong lumalabas sa pelikula ang hindi magandang ginawa nito. Sa totoo lang ay nagbago ang tingin ko sa McDonald's matapos kong mapanood ang kuwento sa likod nito. Nabawasan ang paghanga ko dito lalo na't nalaman kong ang mga tao sa likod ng pagbuo ng naturang restaurant ay wala na palang kinalaman mismo sa McDo.

Ambisyoso at oportunista ang naging dating ni Kroc sa pelikula na maayos na nabigyang buhay ni Keaton. Kakampihan mo siya sa simula at kaiinisan sa dulo depende na lamang kung papaano mo tatanggapin ang kaniyang ginawa. Para sa akin ay hindi makatuwiran ang ginawa nito sa magkapatid kaya ako naiinis.

Story-wise, mas nag-focus sila kay Kroc na hindi naman inspiring ang kuwento maliban sa pagiging pursigido nito sa buhay. Ni hindi nila nabigyan ng kulay ang McDonald brothers na siyang nagsimula ng lahat. Gayunpaman ay nasa kanila pa rin ang simpatya ko.

Ang nagustuhan ko sa palabas ay ang makulay nitong aesthetic. Masarap manood dahil sa malinis na cinematography. Naipakita nito ang ganda ng 1950's. Nakuha nila ang vibe nito mula sa pananamit, istilo ng buhok at mga lumang aparato. Nakakatuwa ring makita ang pinagmulan ng McDo. Ito lang siguro ang nagustuhan ko sa palabas bukod na rin siyempre sa magaling na pag-arte ni Keaton. Ang masasabi ko lang, pagkadismaya ang naramdaman ko nang matapos ang pelikula.


No comments:

Post a Comment