Search a Movie

Wednesday, September 11, 2019

9/11 (2017)

Poster courtesy of IMP Awards
© Black Bear Studios
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Charlie Sheen, Whoopi Goldberg, Gina Gershon
Genre: Action, Drama
Runtime: 1 hour, 30 minutes

Director: Martin Guigui
Writer: Martin Guigui, Steven Golebiowski, Patrick Carson (play)
Production: Black Bear Studios, Primary Wave Entertainment, Sprockefeller Pictures
Country: USA


Sa World Trade Center nagtatrabaho ang bilyonaryong si Jeffrey Cage (Charlie Sheen) at sa araw ng September 11, 2001 ay nakatakda na itong pumirma sa divorce papers kasama ang asawang si Eve (Gina Gershon). Ngunit habang nasa elevator ng North Tower ay bigla silang naipit sa pagitan ng 37th at 38th floor nang isang eroplano ang tumama sa naturang building.

Kasama sa mga tumigil na elevator ay ang maintenance engineer na si Eddie (Luis Guzmán), delivery man na si Michael (Wood Harris) at si Tina (Olga Fonda) na nasa WTC upang makipaghiwalay sa kaniyang sugar daddy. Sa kalagitnaan ng kanilang paghihintay ng taong tutulong sa kanila ay isang eroplano pa ang tumama naman sa South Tower, isang pagkukumpirma na sila'y nasa ilalim ng terrorist attack.

Dahil dito ay kinakailangan ngayon ng grupo na magkaisa upang iligtas ang kanilang sarili bago mahuli ang lahat at tuluyang bumagsak ang gusaling kanilang kinatatayuan.

Misleading ang trailer ng 9/11 dahil base sa isang stage play at hindi sa kuwento ng totoong tao ang pelikulang ito na siyang kanilang ipino-promote. Ang tanging totoo lang sa pelikula ay ang tahedyang naganap sa World Trade Center, maliban dito ay wala na.

Limang estranghero ang na-trap sa isang elevator sa kalagitnaan ng 9/11 attack. Limang tao na may kaniya-kaniyang issues sa buhay pero hindi pa rin naging sapat upang makuha ang simpatya ng mga manonood. Napaka-one dimensional ng mga bida kaya wala akong masyadong emotional investment sa kanila kahit na anuman ang mangyari sa kanila. 

Dahil sa kakulangan ng character development ay marahil apektado na rin ang kanilang naging performance, hindi ko alam, pero sa lahat ng bumida sa palabas, si Whoopi Goldberg lang ang nakapagpakita ng magandang pag-arte at hindi pa siya kasama sa elevator. Gusto kong makakita ng aksyon pero mas nangibabaw ang drama ng bawat isa sa buhay na hindi ako maka-relate dahil wala naman akong ideya sa kung saan nangagaling ang kanilang pinanghuhugutan.

Okay na sana ito bilang isang pelikula na kasama sa mga genre ng bida na na-stuck sa isang lugar, mediocre kumbaga, pero nang dumating ang katapusan nito ay hindi ko alam kung ano ang iniisip ng mga taong nasa likod nito at ganun ang ginawa nila sa pelikula. Nakakapang-init ng ulo lalo na't isa't kalahating oras ang iginugol mo para sa walang kwentang konklusyon.


No comments:

Post a Comment