Poster courtesy of IMP Awards © Focus Features |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: John David Washington, Adam Driver
Genre: Biography, Crime, Drama
Runtime: 2 hours, 15 minutes
Director: Spike Lee
Writer: Charlie Wachtel, David Rabinowitz, Kevin Willmott, Spike Lee, Ron Stallworth (book)
Writer: Charlie Wachtel, David Rabinowitz, Kevin Willmott, Spike Lee, Ron Stallworth (book)
Production: Focus Features, Legendary Entertainment, Perfect World Pictures, QC Entertainment, Blumhouse Productions, Monkeypaw Productions, 40 Acres & A Mule Filmworks
Country: USA
1970's nang magkaroon ng kauna-unahang black officer ang Colorado Springs Police Department. Hindi naging madali ang buhay pulis ni Ron Stallworth (John David Washington), na agad natoka sa records room, dahil sa maya't-mayang racial insults na natatanggap nito mula sa kaniyang mga katrabaho.
Nang maitalaga sa intelligence division ay sinubukang pasukin ni Stallworth ang Ku Klux Klan sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang White American kung saan ay ginamit naman nito ang kaniyang partner na si Flip Zimmerman (Adam Driver) para sa mga personal na pakikipagkita sa mga miyembro ng naturang grupo.
Base sa mga tunay na pangyayari, nagustuhan ko ang paggamit ng humor ng pelikula upang makuha ang interes ang mga manonood. Tungkol ito sa tipikal na banggaan ng mga Black at White Americans sa taon kung kailan talamak pa ang racism. Sa totoo lang ay nakaramdam ako ng pagkabalisa sa mga racial discrimination na natatanggap ng mga bida lalo na't alam kong nangyayari ito sa tunay na buhay.
Maganda, sa totoo lang, ang naging kuwento ng BlacKkKlansman at mas nakakatuwa pa ito dahil naganap mismo ito sa totoong buhay. Sa tingin ko ay maayos naman ang naging protrayal ni Washington kay Stallworth. Nakakatuwa, nakakamangha at nakapagbibigay ng inspirasyon. Pero ang tunay na umagaw ng atensyon ko ay si Driver. Sa kaniya ako humanga ng husto dahil sa ginawa nitong atake kay Zimmerman. Intense at damang-dama mo ang mga emosyon ipinapakita nito. Maganda ang naging chemistry ng dalawang bida.
Ang mga naging problema ay dumating sa second half ng pelikula. Para bang biglang nagpalit ng direktor ang palabas o 'di kaya'y biglang nag-iba ng atake si Spike Lee. Bigla na lang kasing nawala ang humor nito pagdating sa parte kung saan binubuo na ang climax. At speaking of climax, nadismaya ako sa kinalabasan nito. Ang ganda ng build-up pero underwhelming ang kinalabasan.
Hindi rin ako fan ng super zoom-in ni Lee maging ang mga screenshots ng iba't-ibang movie posters na lumalabas sa screen. Kahit nagustuhan ko ang iba't-ibang reference sa pelikula ay nako-cornyhan parin ako sa mga zoom-in shots at panning techniques dito.
No comments:
Post a Comment