Search a Movie

Sunday, August 11, 2019

Christmas Inheritance (2017)

Poster courtesy of Pedestrian
© Netflix
4 stars of 10
★★★★ ☆☆☆☆☆☆

Starring: Eliza Taylor, Jake Lacy
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 1 hour, 44 minutes

Director: Ernie Barbarash
Writer: Dinah Eng
Production: Motion Picture Corporation of America, Netflix
Country: USA


Si Ellen Langford (Eliza Taylor) ang nakatakdang pumalit sa kaniyang ama bilang CEO ng kanilang kumpanya subalit para kay Jim Langford (Neil Crone) ay hindi pa taglay ng kaniyang anak ang mga katangian upang mamuno sa kanilang family business.

Upang makita kung nararapat nga ba para kay Ellen ang titulo ng CEO ay isang pagsubok ang natanggap nito mula sa kaniyang ama. Kinakailangan niyang personal na ihatid ang isang Christmas card sa dating business partner ng kaniyang ama sa dati nilang lugar nang hindi nagpapakilala at walang dalang pera maliban sa $100.

Kung babasahin mo ang buod ng pelikula ay napakaganda sana ng kuwento nito. Challenging, adventurous at may magandang mensahe. Kaso sa execution nagkatalo. Simula pa lang ay hindi ko na gusto ng vibes ng pelikula. Napaka-cheap ng datingan mula sa cinematography, props at maging sa mga aktor na gumaganap. 

Ang setting ay parang nasa 80's at hindi sa 21st century. Saan ka naman makakakita ng bayan na mayroong Apple store pero walang cellphone service? At this point, nakita ko na ang kahihinatnan ng pelikula. Tinamad ang mga writers nito para bigyan ng maayos at magandang storyline ang mga karakter. 

Trying hard in all aspect, 'yan lang ang masasabi ko para sa buong pelikula. Parang hindi nag-iisip ang mga bida, hindi mo rin alam kung ano ba ang ipinaglalaban ng kanilang karakter lalo na kay Taylor. Pa-cool naman ang lalaking bida na lalong nakakairita. Hindi rin nakatulong ang pagiging cliche at cheesy ng mga dialogue. Kung pambata lang sana ang palabas, puwede pa kaso iba ang demographics nito at alam kong hindi naman bobo ang mga nanonood nito. 

Nasayang ang konsepto, parang pinaglaruan lang ang kuwento ng mga amateur writers. Hindi pa nailabas ang galing ng mga artista kung mayroon man silang itinatagong galing. Sayang lang ang oras na ibibigay mo panonood dito dahil hindi man lang nag-effort ang mga tao sa likod ng pelikula upang maghatid ng maayos napalabas.


No comments:

Post a Comment