Search a Movie

Sunday, August 4, 2019

Shazam! (2019)

Poster courtesy of IMP Awards
© DC Entertainment
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Zachary Levi, Asher Angel, Jack Dylan Grazer
Genre: Action, Comedy, Fantasy
Runtime: 2 hours, 12 mintues

Director: David F. Sandberg
Writer: Henry Gayden, Darren Lemke (story)
Production: Warner Bros., DC Entertainment
Country: USA


Lumaking walang mga magulang si Billy Batson (Asher Angel) na ilang beses nang nagpalipat-lipat ng foster home dahil sa pagiging pasaway matapos makailang layas upang hanapin ang kaniyang ina. Sa kaniyang bagong tahanan, kung saan nakatira siya kasama ng katulad niyang mga inaruga ng mag-asawang Vasquez ay makikilala nito ang kaniyang foster brother na si Freddy Freeman (Jack Dylan Grazer) isang superhero enthusiast.

Samantala, sa matagal na panahon ay nananatili pa ring bigo si Shazam (Djimon Hounsou) sa paghahanap ng maaaring humalili sa kaniya upang mamahala sa kaniyang kapangyarihan. Subalit nang salakayin siya ni Dr. Thaddeus Sivana (Mark Strong), ang batang dating binigyang pagkakataon ni Shazam upang pumalit sa kaniya ngunit hindi napagbigyan ay wala nang ibang pagpipilian si Shazam kundi ang ibigay ang kaniyang kapangyarihan sa bagong dating na bata, walang iba kundi si Billy.

Malaki ang excitement na nadama ko para sa Shazam! dahil ngayon lang ako makakatunghay ng isang DC movie na light at hindi seryoso. Pero masyado yatang mataas ang naging ekspektasyon ko para rito dahil mabilis akong nadismaya. Sa unang tatlumpung minuto na lumipas sa pelikula ay hindi ko pa dama ang bida. Wala pa sa kaniya ang aking simpatya at sa totoo lang ay mas naiinis pa ako sa kaniya kaysa sa kontrabida na mas may maganda pang character background.

Mas nag-focus sila sa pagiging mapaglaro ng bida na bagamat naiintindihan ko dahil bata nga pero masyadong childish ang mga naging eksena para sa aking panlasa. Hindi rin natural ang labas ng pagpapatawa rito na halatang inilagay lang para magkaroon ng nakakatawang ganap.

Bagamat mahirap mahalin ang bida, nakabawi rin naman sila pagkatapos ng twist. Nagkaroon naman ng maayos na character development ang mga karakter at nagustuhan ko rin na nagkaroon ng espesyal na role ang mga supporting cast.

Hindi ko gaanong na-enjoy ang panonood dahil nairita ako sa kalahati ng pelikula. Bilang isang superhero film, kinulang din ito ng aksyon. Hindi masarap panoorin ang labanang puro batuhan ng katawan at siraan ng mga gusali. Kahit na napatawa ako ng humor nito, hindi ito ang hinahanap ko sa isang superhero film. Hindi nila nabalanse ang mga characterstic ng pelikula at lumabas ito bilang generic comedy movie na may kaunting touch ng superhero genre.


No comments:

Post a Comment