Poster courtesy of IMP Awards © Universal Pictures |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Regina Hall, Marsai Martin, Issa Rae
Genre: Comedy, Fantasy
Runtime: 1 hour, 49 minutes
Director: Tina Gordon
Writer: Tracy Oliver, Tina Gordon
Production: Universal Pictures, Legendary Entertainment, Will Packer Productions
Country: USA
Kung napanood mo na ang 1988 movie na Big, baliktarin mo lang ang konsepto nito at iyon ang kalalabasan ng Little. Bata pa lamang ay naging tampulan na ng tukso si Jordan Sanders (Regina Hall), siya ang palaging ginagawang katatawanan ng mga bully sa kanilang eskwela. Kaya naman nang tumanda ito, nagkaroon ng marangyang buhay at sariling kumpanya ay siya naman ang naging bully sa kaniyang mga empleyado.
Sa isang hindi maipaliwanag na hiwaga ay magigising na lamang isang araw si Jordan sa katawan ng bata. Habang hinahanapan ng solusyon ang problema ay kinakailangang mamuhay ni Jordan bilang isang bata, ang pinakamumuhiang parte ng kaniyang buhay. Dito na niya susubukan palitan ang masamang karanasan nito sa paaralan noong kabataan nito.
Aaminin ko, nagandahan ako sa trailer ng Little kaya naman naisipan ko itong panoorin. Subalit sa panonood ay sunud-sunod na dismaya ang nakuha ko mula rito. Una sa lahat, hindi ganoong ka-appealing ang dalang humor ng pelikula, outdated at karamihan ay hindi pasok sa uri ng humor ko. Lahat ng karakter ay unlikable maliban sa batang Jordan na parehong ang karakter at artistang gumanap ay nagustuhan ko. Marami ring mga eksenang hindi na kinakailangan sa istorya katulad ng sexy dance ng manliligaw ni Jordan na ayos lang sana kung maikli kaso pinahaba para lang sa isang joke na hindi naman nakakatawa.
Maganda sana ang mensaheng nais iparating ng palabas, ang naging problema lang dito ay masyado itong makalat. Hindi sila nakapag-focus sa iisang bagay. Maraming subplots na ipinakilala pero hindi ko alam kung alin doon ang priority, tungkol ba sa bullying, sa personal issues ni Jordan o sa kaniyang love life at marami pa.
Ang sumalo lang talaga sa pelikula ay si Marsai Martin na kuhang-kuha ang istilo ng mataray, mapagmataas at istriktong boss... habang nasa katawan ng bata.

No comments:
Post a Comment