Poster courtesy of IMP Awards © WWE Studios |
★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Florence Pugh, Jack Lowden, Vince Vaughn
Genre: Biography, Comedy, Drama, Sports
Runtime: 1 hour, 48 minutes
Director: Stephen Merchant
Writer: Stephen Merchant
Production: WWE Studios, Metro-Goldwyn-Mayer (MGM), Channel 4 Television Corporation, Film4, Misher Films, Seven Bucks Productions
Country: USA, United Kingdom
Local wrestlers ang magkapatid na sina Saraya (Florence Pugh) at Zac Knight (Jack Lowden) mula sa Norwich, England. Lumakhi sa pamilya ng mga wrestlers, nagsubok ang dalawa na sumabak sa WWE kung saan ay nagkaroon sila ng pagkakataong sumali sa tryout.
Sa kasamaang palad, sa kanilang dalawa ay si Saraya lang ang pinili ng WWE trainer na si Hutch Morgan (Vince Vaughn). Mabigat man ang loob ay ipinagpatuloy pa rin ni Saraya ang kaniyang pangarap na makapasok sa WWE.
Kahit na may malawak na kaalaman sa mundo ng wrestling ay nahirapan pa rin si Saraya sa matinding training na nakuha nito mula kay Morgan. Dumagdag pa rito ang pagkailang niya sa mga katulad niyang babaeng trainees na ganda at katawan lang ang puhunan. Ginawa ni Saraya ang lahat upang makibagay ngunit ang sunud-sunod na pangmamaliit na natatanggap nito ay ang naging hudyat kung kaya't muntik na nitong ihinto ang kaniyang pangarap.
Wala nang mas masarap panoorin pa sa isang sports movie kundi ang isang underdog na bida. Pasoitibo ang kuwento kaya nakaka-inspire at nakaka-motivate. Kahit na sa mga ganitong biography movie ay predictable na ang kalalabasan lalo na kung kilala mo ang taong kanilang binibigyang buhay ay nakaka-aliw pa ring panoorin ang kanilang pinagdaan bago makamtan ang kanilang matagumpay na estado.
Isa sa mga nagustuhan ko dito ay ang buong cast, lahat sila ay mayroong sari-sariling personalidad na mamahalin mo, o kaiinisan. Napaka-natural ng delivery ni Pugh sa kaniyang mga linya. Mapupunta agad sa kaniya ang simpatya mo dahil maganda ang magkakasulat sa kaniyang karakter. Gayun din na relatable ang kapatid nitong si Zac lalo sa mga selosan sa pagitan ng magkakapatid.
Naging highlight din ng palabas si Vaughn. Low profile lang ang karakter pero isa siya sa key characters na may mahalagang role sa palabas. Siya yung tipong kokontrabidahin ang dating pero sa huli ay isa rin pala sa mga kakampi.
Enjoy panoorin ang Fighting with My Family lalo na kung fan ka ng WWE. Maganda na may pasilip sila sa mundong ito na siyang sasagot sa tanong na totoo ba o scripted ang wrestling na malalaman mo kung napanood mo ang pelikula.

No comments:
Post a Comment