Poster courtesy of Amazon © Regal Films |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Rica Peralejo, Jennylyn Mercado, Mark Herras
Genre: Horror, Thriller
Runtime: 1 hour, 33 minutes
Director: Mark A. Reyes
Writer: Mark A. Reyes, Fairlane Raymundo
Production: Regal Films
Country: Philippines
Ayon sa pamahiin, patay ang Diyos sa mahal na araw at dahil dito ay lumalakas ang puwersa ng mga maligno.
Nang mag-organisa ang Religion teacher na si Shiela (Rica Peralejo) ng isang retreat para kaniyang mga estudyante sa mahal na araw ay hindi nila inaasahang maliligaw sila. Mapapadpad ang kanilang grupo sa isang lumang bahay kung saan nakatira ang isang ginang at isang bata.
Ang hindi nila alam, tatlong tiyanak ang nakapaligid sa lugar. Isang lumilipad, isa sa gubat at isang tiyanak na nasa tubig. Ang tatlong batang ito ang siyang magbibigay ng kilabot sa kanilang grupo kung saan ilang buhay ang masasayang.
Halatang gawang Mark A. Reyes ang pelikula dahil sa pagkakaroon nito ng apat na elemento - ang tubig, hangin, lupa at apoy ala Encantadia. Sa totoo lang nagustuhan ko ang idinagdag nilang sangkap upang maging kakaiba ang nakasanayang kuwento ng tiyanak. Ang problema lang ay hindi maganda ang naging execution nito.
Naging tipikal na Pinoy scary movie lang ang Tiyanaks na walang character development ang mga bida. Yung tipo na kahit mamatay sila ay wala lang para sa mga manonood dahil wala ka namang emotional investment sa kanila dahil hindi mo naman alam ang kanilang pagkatao.
Sa kanilang grupo, si Cindy (Karel Marquez) lang ang nagkaroon ng makulay na karakter, kahit na may pagka one-dimensional at stereotype ang kaniyang role ay naiba siya sa plain at boring na pagkakasulat ng ibang karakter. Lalo na sa karakter ni Lotlot de Leon na wala namang naitulong sa palabas kundi ang magbigay ng walang kwentang linya.
Story-wise, walang masyadong kapana-panabik sa pelikula. Masyadong predictable at ang tanging hihintayin mo na lang ay kung sino ang sunod na mamamatay at kung papaano papaslangin ang mga kalaban. Pasalamat sila sa jump scares, iyon lang ang nakatulong upang magmukhang horror ang pelikula.
Hindi na ako masyadong umasa sa CGI dahil wala namang maayos na CGI ang Pilipinas lalo na't noong 2007 pa ito ginawa. Ang naging problema lang ay inconsistent ang laki ng mga tiyanak. Imbis na matakot ay mapapataas kilay ka na lang.

No comments:
Post a Comment