Search a Movie

Sunday, November 24, 2019

The Soul-Mate (2018)

Poster courtesy of IMDb
© DayDream Entertainment
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Ma Dong-seok, Kim Young-kwang
Genre: Comedy, Drama
Runtime: 1 hour, 37 minutes

Director: Jo Won-hee
Writer: Kim Sung-jin
Production: DayDream Entertainment
Country: South Korea


Nang pumanaw ang kaniyang asawa sa isang aksidente ay tuluyan nang nag-iba ang pananaw sa buhay ng judo instructor na si Jang-su (Ma Dong-seok) pagdating sa pagtulong sa mga taong nangangailangan. Subalit nang biglang dumating sa kaniyang mundo ang kaluluwa ng pulis na si Tae-jin (Kim Young-kwang) na kasalukuyang comatose ay mapipilitan itong magbago.

Dahil si Jang-su lamang ang tanging nakakakita kay Tae-jin ay sa kaniya hihingi ng tulong ang binata upang hanapin ang mga taong nasa likod ng kaniyang pagka-uwi sa ospital. Dito na nila malalaman ang isang nakakagimbal na katotohanan.

Sa totoo lang mayroon namang maganda, maayos at nakaka-hook na kuwento ang The Soul-Mate subalit sa aking opinyon ay walang espesyal sa naging kuwento nito. Hindi na bago, walang impact. Mai-enjoy mo ang panonood nito ngunit pagkatapos ay mawawala rin sa utak mo. Walang recall kumbaga dahil manipis lang ang kuwento.

Maganda naman ang comedic timing ng mga bida. May chemistry din sila kaya nasabi kong nakaka-hook manood. Maayos ang ipinakita nilang pag-arte pero katulad ng istorya ay wala rin itong wow-factor.

Okay nang pamatay oras dahil hindi naman ito pangit. Ang tanong ko lang, paano nakakita ng kaluluwa si Jang-su?


No comments:

Post a Comment