Poster courtesy of IMP Awards © Corner Stone Entertainment |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Ezra Miller, Zoe Kravitz, Jesse McCartney
Genre: Comedy, Drama, Romance
Runtime: 1 hour, 34 minutes
Director: Bryan Goluboff
Writer: Bryan Goluboff
Production: Corner Store Entertainment
Country: USA
Nasa alanganin ngayon ang College scholarship ni Eddie "Gonzo" Gilman (Ezra Miller) matapos siyang maalis sa kanilang high school paper nang tanggalin siya ng editor-in-chief na si Gavin Riley (Jesse McCartney) dahil sa hindi pagkakasunduan.
Dahil dito, sa tulong ng mga kaibigang palaging pinaglalaruan ng grupo ni Riley ay bumuo si Gilman ng sariling school paper. Katulong si Evie Wallace (Zoe Kravitz) na mayroong malalim na hinanakit kay Riley ay susubukan nilang ilabas ang baho ng mga sikat na estudyante sa paaralan at bigyang atensyon ang mga katulad nilang palaging nabu-bully.
Ironic lang na gustong labanan ng grupo ni Gilman ang mga bully sa kanilang paaralan ngunit sa kabilang banda, dahil sa kanilang paghihiganti ay sila mismo ay nagiging bully na rin. Maganda ang tema ng palabas na gamitin ang dyornalismo upang bigyang boses ang minorya subalit madaming parte ang palabas na hindi sumang-ayon sa aking pananaw sa buhay.
Dahil dito ay nahirapan akong magustuhan ang mga karakter lalo na ang bida. Maganda ang underdog story subalit hindi ko nagustuhan ang naging execution nito. Naging palamuti lang ang mga supporting characters na binigyan ng pangit na pagkakasulat. Wala ring chemistry sa pagitan nila Miller at Kravitz. Pilit ang love story at walang build-up kaya wala ring spark.
Ang nagustuhan ko dito ay naipakita nila kung gaano ka-powerful ang media. Mapa-fake news man ito o totoong balita, malaki ang ambag nito upang makakuha ng simpatya sa mga tao at madali rin itong sumira ng buhay ng tao. Pinatunayan ng palabas na "a pen is mightier than a sword," at ganoon din kung gaano kadaling baluktutin ang katotohanan. At magaling pala si Miller dito.
No comments:
Post a Comment