Search a Movie

Wednesday, November 20, 2019

To Each His Own (2017)

Poster courtesy of Asian Dramas Wiki
© Kadokawa
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Asuka Kudo, Sota Fukushi
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 53 minutes

Director: Izuru Narushima
Writer: Kumi Tawada, Izuru Narushima, Emi Kitagawa (novel)
Production: Cine Bazar, Kadokawa
Country: Japan


Hindi na masaya si Takashi Aoyama (Asuka Kudo) sa kaniyang kasalukuyang trabaho. Bukod sa mabigat na pressure na natatanggap nito sa opisina ay hindi rin siya tinitigilan ng kaniyang boss sa patuloy nitong pangbubully sa kaniya. Gayun pa man ay pinipilit pa rin ni Aoyama na pumasok para mabuhay.

Ngunit nang dumating ang puntong hindi na kinaya ni Aoyama ang hirap sa trabaho ay sinubukan nitong patayin ang sarili sa pamamagitan ng pagtalon sa riles ng tren. Sa pagitan ng buhay at kamatayan ay isang kamay ang humila kay Aoyama pabalik sa kaligtasan. Si Jun Yamamoto (Sota Fukushi), ang dating kaklase ni Aoyama.

Sa kanilang pagkikita ay unti-unting magliliwanag ang makulimlim na buhay ni Aoyama. Si Yamamoto ang magbabalik ng kulay sa mundo nito na matagal nang nawala dahil sa pinagdadaanan nito sa trabaho.

Isang napakaganda at makabuluhang kuwento ang ipinakita ng To Each His Own lalo na para sa mga taong nakakaramdam ngayon ng depresyon at hirap sa buhay. Malaking tulong ang palabas na ito upang magbigay ng motibasyon sa mga taong sumuko na sa mga patung-patong nilang na problema.

Simula pa lang ay napakabigat na ng dating ng palabas. Tatalakayin nito ang depression at suicide na kasalukuyang pinagdadaanan ng marami sa atin. Lalo na sa mga taong nakakaranas ng abusive na boss o ng pressure sa adulting. Ipinakita dito kung papaano hinaharap ng iba't-ibang tao ang problema nila sa buhay. Kung papaano nagsisimula ang depresyon at kung saan ito humahantong.

Nagsutuhan ko ang ginawang red herring at twist sa kuwento. Maganda rin ang pagkakasulat sa karakter ng dalawang bida na binigyan ng magkaibang approach sa kanilang problema patunay na ang bawat isa ay mayroong dinadalang kalungkutan sa buhay sa kabila ng pagiging masayahin at palangiti.

Minsan masyadong nagiging animated nga lang ang pag-arte ng mga aktor dito na hindi ko nakasanayan dahil na rin siguro sa cultural differences. Gayun pa man ay hindi naman nito naapektuhan ang istorya ng pelikula. 

Kung susumahin, maganda ang dulot na mensahe ng pelikula. Wala man tayong Yamamoto sa tunay na buhay ay maaari nating gamitin sa realidad ang mga binigkas nitong salita na hindi nagwawakas ang mga problema sa kamatayan, bagkus ay lalo lang itong dadagdag sa mga suliranin ng mga taong malapit sa atin tulad ng pamilya. Maaari tayong tumigil kung hindi na natin kaya.


No comments:

Post a Comment