Search a Movie

Saturday, November 2, 2019

Us (2019)

Poster courtesy of IMP Awards
© Universal Pictures
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Lupita Nyong'o, Winston Duke, Shahadi Wright Joseph, Evan Alex
Genre: Horror, Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 55 minutes

Director: Jordan Peele
Writer: Jordan Peele
Production: Monkeypaw Productions, Perfect World Pictures, Universal Pictures
Country: USA


Kasama ang buong pamilya ay nagbalik si Adelaide Wilson (Lupita Nyong'o) sa kanilang tahanan sa Santa Cruz upang magbakasyon. Nababahala man sa kaniyang pagbabalik dahil sa naganap na pangyayari sa kaniya noong siya'y bata pa ay ipinagsawalang-kibo na lang niya ito.

Kinagabihan, isang misteryosong pamilya na nakasuot ng pula ang biglang nagpakita sa labas ng kanilang tinitirahan. Sinubukang paalisin ng asawa ni Adelaide na si Gabriel Wilson (Winston Duke) ang grupo ng estranghero nang bigla silang sinugod ng mga ito at nagsubok na pasukin ang kanilang bahay.

Naging matagumpay ang pagpasok ng apat na estranghero sa bahay ng mga Wilson kung saan ginawa nilang hostage ang pamilya. Ang nakakagimbal nito, ang apat na estrangherong ito ay doppelgängers ng pamilya. Tinatawag nila ang kanilang sarili bilang 'Thethered' na dumating upang patayin ang kanilang kamukha.

Kakaiba ang inihain ng Us para sa mga manonood. Mayroon itong orihinal at bagong konsepto na magbibigay ng kilabot sa bawat isa. Makakaramdam ka ng iba't-ibang level ng creepiness habang ipinapakilala sa iyo ang konsepto ng Thethered. Maganda rin na hindi lang ito problema ng bidang pamilya kundi ng lahat dahil lumabas ito bilang isang apocalyptic story. Gayunpaman, kahit na kakaiba ang paraan ng pananakot nito ay hindi masyadong solid ang naging pagbuo ni Jordan Peele sa kaniyang palabas.

Maraming plotholes na sasalubong sa iyo sa pagdating ng last half ng pelikula katulad ng paano nabubuhay ang mga Thethered ng walang nakakaalam sa kanila? Saan nanggagaling ang kanilang mga gamit? At kung ang bawat isa ay mayroong doppelgänger, gaano kalaki ang lugar nila? Marami pang katanungan ang nabuo na hangga't walang kasagutan ay lalong bumababa ang kalidad ng pelikula.

Aaminin ko, nawala ang naramdaman kong horror nang ipaalam na ang tungkol sa mundo ng mga Thethered. Hindi ako kumbinsido sa pagkakaroon ng tulad nila. Gumulo ang kuwento dahil sa kakulangan ng eksplinasyon. Parang naging fantasy tuloy ang dating at hindi na para manakot.

Kung teknikal naman ang pag-uusapan, napahanga ako ni Nyong'o sa kaniyang performance bilang Adelaide at bilang Red. Ganoon din ang ginawang make-up at costume design sa mga Thethered na bagamat parehong aktor ang gumanap ay nagawan nila ng sariling bersyon at pagkakakilanlan. On point rin ang musical scoring, isa sa mga magandang highlight ng pelikula. Medyo out of place ang biglaang dark humor na isiningit sa kalagitnaan ng pelikula pero natuwa ako na ginawa nila ito bilang ice breaker sa intense na first half ng pelikula.


No comments:

Post a Comment