Poster courtesy of SKY Cable © Star Cinema |
★★★ ☆☆☆☆☆☆☆
Starring: Kim Chiu, Ryan Bang, Enzo Pineda
Genre: Comedy, Horror
Runtime: 1 hour, 45 minutes
Director: Tony Y. Reyes
Writer: Danno Mariquit, Daisy Cayanan, DIP B. Mariposque
Production: Star Cinema, ABS-CBN Film Productions, Inc.
Country: Philippines
Magaling na espiritista ang lola ni Carmel Monseratt (Kim Chiu) ngunit dahil sa katandaan ay hindi na nito naipasa sa apo ang kaniyang kapangyarihan. Kaya naman sa kasalukuyan ay namumuhay si Carmel bilang isang pekeng paranormal expert kasama ang kaniyang grupo na sina Jeje (Ryan Bang), Bagang (Pepe Herrera), Ponzi (Lassy Marquez) at Basha (Moi Bien).
Sa kawalan ng trabaho ay nanganganib nang mawalan ng tirahan sina Carmel at ang kaniyang lola dahil umabot na ng isang milyon ang kanilang utang. Kaya naman nang makilala ng dalaga ang mayamang architect na si Jack Colmenares (Enzo Pineda) na naghahanap ng espiritista na kayang makapag-aalis sa mga nagmumultong kaluluwa sa kanilang mansyon ay agad itong pinatos ni Carmel lalo na nang malaman nitong handang magbayad si Jack ng isang milyon.
Ilang beses at paulit-ulit na nabanggit dito sa palabas ang mga salitang OA at corny na tugma sa pelikula dahil sa overacting na mga bida at corny na dialogue. Hindi siguro nila alam na walang nakakatawa sa kasisigaw. Masakit ito sa tainga at nakakairita. Hindi rin ganoon kadali ang slapstick comedy tulad ng kanilang iniisip dahil mayroon itong timing. Walang kuwenta ang naging pag-arte ng mga bida lalo na si Chiu na parang nagdudula-dulaan sa paaralan at mas lalo na si Bang bawat linya ay baluktot magbitaw.
Maging ang mga beteranang artista sa pelikula ay bumaba ang lebel ng pag-arte dahil sa hindi kagandahang script. Hindi ko alam kung papaano ito nangyari dahil sa dami ng mga sumulat sa pelikula ay ito lang ang nakayanan nilang ihain sa madla. Papunta na sa basura, ni isang linya ay walang nakakatawa.
Hindi ko rin alam kung ano ang role dito nila Maymay Entrata at Edward Barber maliban sa manghatak ng mga taong manonood. Ni walang istorya ang kanilang role na kahit alisin mo sila ay hindi maaapektuhan ang main plot.
Hindi impressive ang comedy ng palabas at lalong hindi rin ang horror content nito. Parang nasa Halloween party lang ang mga multo. Hindi nakakatakot, hindi rin nakakamangha ang make-up at costume. Alam kong parody lang ito pero sana naman nagbigay man lang sila ng effort upang mapaganda at gawing disente ang kanilang pelikula. Kahit na comedy, may karapatan pa rin itong magkaroon ng maayos na cinematography, kuwento at script.

No comments:
Post a Comment