Search a Movie

Monday, November 11, 2019

Mary Poppins Returns (2018)

Poster courtesy of IMP Awards
© Walt Disney Pictures
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Emily Blunt, Lin-Manuel Miranda, Ben Whishaw, Emily Mortimer
Genre: Comedy, Family, Fantasy
Runtime: 2 hours, 10 minutes

Director: Rob Marshall
Writer: David Magee, Rob Marshall (story), John DeLuca (story), P. L. Travers (book)
Production: Lucamar Productions, Marc Platt Productions, Walt Disney Pictures
Country: USA, United Kingdom


Ilang taon na ang lumipas simula nang makilala ng magkapatid na sina Michael (Ben Whishaw) at Jane Banks (Emily Mortimer) ang misteryosong si Marry Poppins (Emily Blunt). Tatlumpu't taon ang lumipas ay may sarili nang pamilya si Michael na biniyayaan ng tatlong anak.

Bilang isang part-time teller sa dating pinagta-trabahuhang banko ng kaniyang ama ay nagkaroon ng pagkakautang si Michael sa kaniyang employer dahil sa hindi inaasahang pagpanaw ng kaniyang asawa. At dahil sa tatlong buwan na itong hindi nakakapagbayad ng utang ay nakatakdang mabawi sa magkapatid ang kanilang kinalakihang tahanan.

Sa ikalawang pagkakataon ay magbabalik si Mary Poppins upang bantayan ang mga Banks. Katulad ng kanilang kabataan, muli siyang magbibigay ng kulay sa kanilang lumalamlam na buhay.

Uunahin ko na ang tunay na nagstand-out sa palabas - si Blunt. Kuhang-kuha nito ang orihinal na Mary Poppins. Para sa akin ay napantayan nito ang galing ni Julie Andrews at nabigyan niya ng hustisya ang pagiging passive pero low key dominant ni Mary Poppins.

Isang malaking nostalgic experience ang Mary Poppins Returns para sa mga fans ng original movie. Kuha pa rin nito ang kalidad ng naunang pelikula, dala pa rin nila ang original format na minahal ng marami subalit nabigyan nila ito ng sariling twist at bersyon. Kumabaga sa kanta, para itong revival ng isang classic na binigyan ng sariling rendition para sa bagong henerasyon.

Masarap sa matang panooring ang cinematography. Mula sa mga damit, set, CGI, makulay ang lahat, madaling makahugot ng mga batang manonood. Gayun din ang mga kantang ginamit na may kaunti pa ring touch ng mga original music.

Isa lang ang naging isyu ko dito. Sa laki ng production ay may mga maliliit lang na detalye na hindi na inayos pa katulad ng eksena kung saan bumaba si Mary Poppins mula sa kalangitan, mahangin ang paligid ngunit ang mga puno sa malalayo ayhindi gumagalaw. Ganoon din ang eksena ni Meryl Streep na nakaback-stand pero ang buhok at maging ang hikaw ay hindi yata mahila ng gravity. Maliliit na detalye pero kung mabilis ang iyong mga mata ay maaaring makasira sa iyong panonood.

Overall, isang maayos at magandang sequel ang ginawa ng Mary Poppins Returns. Naipakilala nila ang karakter ni Poppins sa bagong henerasyon, gayun din na naipanumbalik nila ang alaala nito para sa mga mas nakakatandang manonood. Binigyan ng bagong bihis pero dala pa rin ang respeto sa original source.


No comments:

Post a Comment