Poster courtesy of IMDb © René Clair Productiions |
8 stars of 10
★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Louis Hayward, June Duprez
Genre: Crime, Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 37 minutes
Director: René Clair
Writer: Dudley Nichols, Agatha Christie (novel)
Production: René Clair Productions
Country: USA
Walong estranghero ang naimbitahan na bumisita sa isang liblib na isla mula sa anyaya ng isang nagngangalang U.N. Owen na hindi pa nila nakilala ng personal. Sa isalng ito madadatnan ng walo ang dalawang bagong tagapamahala ng bahay ni Mr. Owen.
Sa kanilang unang gabi, isang boses mula sa isang gramophone record ang kanilang maririnig na hinihinalang mula kay Mr. Owen. Dito ay inilahad nito ang pagkakasala ng bawat isa na naging sanhi ng pagkamatay ng mga inosenteng tao.
Hindi naglaon, isa sa mga bisita ang namatay na sinundan ng isa pa. Sa huli ay napagtanto nilang isa-isa na silang pinapatay ng hindi nakikilalang salarin. Bago pa man sila maubos ay magkakaroon ng imbestigasyon ang mga natitirang buhay kung may kinalaman ba si Mr. Owen sa mga pagpaslang.
Hindi ko alam kung dahil sa pagkakaiba ng henerasyon at istilo ng pag-arte ng nakaraan sa kasalukuyan kung kaya't hindi ko agad kinagat ang pagganap ng mga bida sa kanilang karakter. May kaunting exaggeration at over the top ang naging performance nila na malayo sa pag-arte ng mga artista sa mga kasalukuyang mystery-thriller movies.
Subalit kalaunan ay agad ko din naman itong naipasok sa aking sistema. Na-enjoy ko ang paglapat nila ng buhay sa obra ni Agatha Chrsitie. Sa katunayan ay magagaling ang buong cast. Lahat sila ay bumagay sa isa't-isa at nagkaroon ng maayos na chemistry. At kahit na hindi ko kilala ang mga bumida, agad kung naihiwalay kung sino ang sino sa kabila ng pagkakaroon ng maraming karakter.
Sa simula'y medyo out of place ang comedic undertone ng pelikula sa misteryo ng istorya pero sa huli ay nagsilbi itong pangbalanse sa genre nito. Bumagay rin ang mga inilapat musical scoring. Kaya naman hindi na ako nagtataka kung isa sa mga iconic movies ang And Then There Were None sa kabila ng pagkakaroon nito ng iba't-ibang adaptation.
Pagdating sa kuwento, nakakabilib ang pagtatago nila kung sino ang tunay na saralin. Gayunpaman ay mayroon na akong hinala kung sino sa kanila si Mr. Owen dahil sa isang obvious na rason. Lalo ko pang napatunayan na totoo ang hinala ko nang apat na lang ang natitira. Medyo overused na ang ginawang twist dito sa kasalukuyan kong henerasyon na alam kong bagu-bago pa noong 1940's kaya bibigyan ko ito ng kunsiderasyon.
Huwag kayong masiraan ng loob sa pagiging black and white ng pelikula dahil maganda ito story-wise at maging ang cinematography. Nakakatuwa itong panoorin dahil para ka ring detective na kaisa sa paglutas ng misteryo. Medyo nadismaya lang ako na hindi ito kasing madugo ng aking inaasahan dahil halos off camera ang lahat ng mga naganap na pagpatay.
No comments:
Post a Comment