Search a Movie

Saturday, November 2, 2019

Scary Stories to Tell in the Dark (2019)

Poster courtesy of IMP Awards
© CBS Films
7 stars of 10
★★★★★★★ ☆☆☆

Starring: Zoe Colletti, Michael Garza, Gabriel Rush, Austin Zajur
Genre: Horror, Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 48 minutes

Director: André Øvredal
Writer: Dan Hageman, Kevin Hageman, Guillermo del Toro (story), Patrick Melton (story), Marcus Dunstan (story), Alvin Schwartz (short story)
Producer: CBS Films, Entertainment One, 1212 Entertainment, Double Dare You Productions, Sean Daniel Company
Country: USA, Canada


Halloween, at ang grupo ng mga magkakaibigang sina Stella Nicholls (Zoe Colletti), August "Auggie" Hilderbrandt (Gabriel Rush) at Charlie "Chuck" Steinberg (Austin Zajur) kasama ang bagong kakilala na si Ramón Morales (Michael Garza) ay makakahanap ng isang lumang libro sa isang haunted house. Ang naturang libro ay pagmamay-ari ni Sarah Bellows (Kathleen Pollard) na naglalaman ng mga nakakatakot na mga kuwento.

Iuuwi ni Stella ang libro sa kanilang bahay at doon na magsisimula ang mga kababalaghan na magpapahamak sa kaniyang buhay ng kaniyang mga kaibigan. Matutunghayan nito ang pagkakaroon ng kuwento ng bawat isa sa kanila sa mismong libro na siyang magkakatotoo sa tunay na buhay.

Unti-unting matatangay ang mga kaibigan ni Stella, at bago pa man sila mabiktima ng libro ay sasamahan ni Ramón si Stella upang alamin ang kuwento sa likod ng libro. Dito na nila matutunghayan ang tunay na kuwento ni Sarah.


Maganda ang aesthetic ng pelikula, nasa 60's era pero youthful ang dating. Masarap panoorin dahil malinis ang cinematography. Huling-huli nito ang typical American life. Maayos din ang CGI sa kabila ng mangilan-ngilan na pagiging halatado nito lalo na sa Jangly Man pero bawing-bawi naman kay Harold the Scarecrow.

Pinakanagustuhan ko ang pagiging unique ng mga multo sa pelikula. Nakakatakot, nakakakilabot, nakakatindig-balahibo. Parang Goosebumps ang istilo pero mas dark at ang layunin ay ang manakot talaga.

Hindi impressive ang kuwento ng pelikula. Katulad ng nakasanayang horror movies, ang mga bida ay makakahanap na isang bagay na pinamumugaran ng masamang elemento na siyang magmumulto sa kanila at ang tanging paraan upang matapos ang kanilang problema ay ang imbistegahan ang kuwento sa likod nito. Hindi rin maaalis ang pagiging talunan ng mga bida na paboritong kutyain ng mga bully.

Pangkaraniwan lang ang akting ng mga bida, pangkaraniwan rin ang kuwento. Ang tanging naging hatak lang nito ay ang mga sikat na mga multo na kinagiliwan ng mga kabataan noong itoy nasa libro.


No comments:

Post a Comment