Poster courtesy of IMP Awards © Walt Disney Pictures |
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Lindsay Lohan, Jamie Lee Curtis
Genre: Comedy, Family, Fantasy
Runtime: 1 hour, 37 minutes
Director: Mark Waters
Writer: Heather Hach, Leslie Dixon, Mary Rodgers (novel)
Production: Casual Friday Productions, Gunn Films, Walt Disney Pictures
Country: USA
Dahil sa malaking generation gap sa pagitan ng mag-inang sina Anna (Lindsay Lohan) at Dr. Tess Coleman (Jamie Lee Curtis) ay palaging nahihirapang magkasundo ang dalawa sa mga sarili nilang kagustuhan. Kaya naman nang minsang magtalo ang dalawa sa isang Chinese restaurant ay isang matinding leksiyon ang kanilang mararanasan.
Sa pagsapit ng umaga, isang hindi pangkaraniwang pangyayari ang magaganap sa mag-ina. Magigising si Anna sa katawan ng ina samantalang mapupunta naman si Tess sa katawan ni Anna. Hindi alam ang dahilan ay magsisimulang mamuhay ang dalawa sa magkaibang mundo ng bawat isa. Dito na nila mapagtatanto ang sariling problema na kinakaharap ng isa't-isa na siyang magpapabago sa kanilang pananaw.
Upang ma-enjoy mo ang pelikula ay kinakailangan mo ng suspension of disbelief. Kailangan mong i-sakripisyo ang realismo ng palabas upang makita mo ang pagiging feel good nito. Maraming beses nang ginawa sa pelikula ang pagpapalit ng katawan ng mga bida pero nagawa pa rin ng Freaky Friday na magturo ng aral habang nagpapatuwa sa mga manonood.
Maganda ang conflict at ipinakita ng palabas na kahit ano man ang iyong edad ay mayroon tayong sari-sariling suliranin na kinakaharap mapa estudyante ka man o propesyunal.
Magaling ang cast, maganda rin ang mga ginamit na musika. Swabe lang ang usad ng kuwento. Hindi man pang Oscar-worthy ang pelikula pero laman nito ang mga katangian ng isang disenteng pelikula. Pelikulang para sa pamilya na ang tanging hangad ay magbigay ligaya sa manonood na para sa akin ay naibigay naman nila ng maayos.
No comments:
Post a Comment