Search a Movie

Monday, January 29, 2018

Hush (2016)

Poster courtesy of IMP Awards
© Blumhouse Productions
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Kate Siegel, John Gallagher Jr.
Genre: Thriller
Runtime: 1 hour, 21 minutes

Director: Mike Flanagan
Writer: Mike Flanagan, Kate Siegel
Production: Intrepid Pictures, Blumhouse Productions
Country: USA


Isang manunulat si Maddie (Kate Siegel) na piniling manirahan muna sa tahimik at mapag-isang bahay na matatagpuan sa gitna ng kagubatan upang tapusin ang bagong librong kaniyang isinusulat. Ngunit ang kaniyang inaasahang tahimik na pananatili sa naturang lugar ay gigimbalin ng isang serial killer. Sa kabila ng kaniyang pagiging pipi at bingi ay lalabanan ni Maddie ang lalaking nais pumatay sa kaniya gamit ang kaniyang talino't liksi mailigtas lang ang kaniyang buhay mula sa kapahamakan.

Isang slasher film na bibigyan ka ng matinding kaba para sa bida nito. Wala itong masyadong karakter at gayon din ang mga palitan ng linya na maaaring bumuhay sa pelikula dahil na rin sa kapansanan ng bida ngunit hindi ito naging rason upang hindi ka mabigyan ng matinong thriller story. Sapat na ang isang bida at isang kontrabida upang magkaroon ng maayos na palabas. 

Maganda rin na nagkaroon ito ng kakaibang bida, bukod sa pagiging babae nito na lalaban sa isang lalaki ay may kapansanan din ang bidang susubaybayan ng mga manonood. At nagampanan ito ng maayos ni Siegel, madali lang niyang makukuha ang suporta ng manonood dahil sa tapang na ipinamalas ng karakter nito.

May mga pagkakataong gusto mo sigawan ang bida upang turuan kung papaano ang gagawin niya at mayroon din namang mga tahimik na eksena na minsan ay nakakawala ng interes na para bang pagkatapos ng isang tensyonadong eksena ay kinakailangan ng kaunting pahinga na hindi ko gaanong nagustuhan. Gayunpaman, mayroon itong satisfying ending na ibibigay sa'yo matapos ang mga pasakit na naranasan ng bida kung kaya't hindi ka madidismaya sa dulo.


No comments:

Post a Comment