Search a Movie

Tuesday, January 16, 2018

Trip Ubusan: The Lolas vs Zombies (2017)

Poster courtesy of Its Me, Gracee
© APT Entertainment
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Wally Bayola, Jose Manalo, Paolo Ballesteros
Genre: Comedy, Horror
Runtime: 1 hour, 48 minutes

Director: Mark A. Reyes
Writer: Raymund Navarro, Ma. Acy Q. Ramos
Production: APT Entertainment, M-Zet Productions
Country: Philippines


Biglang naunsyami ang sana'y birthday trip nila Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tinidora (Jose Manalo) at Lola Tidora (Paolo Ballesteros) na nakaplano para sana sa kanilang apo na si Charmaine (Caprice Cayetano) nang bigla silang salakayin ng mga zombies na nagsimula sa virus na nakuha sa isang organic na karne ng baboy.

Sa kanilang pagtakas mula sa zombie outbreak ay makikilala nila ang ilang survivors. Ang barkada nila Aladin (Kenneth Medrano) at Irish (Taki Saito), ang driver ng tourist bus na si Jordan (Arthur Solinap) at ang girlfriend nitong si Abe na isang tourist guide. Ang makasariling si Eva (Angelika dela Cruz) at ang kriminal na si Loid (Archie Adamos). Sa kabila ng kanilang iba't-ibang ugali at estado sa buhay ay sama-sama nilang lalabanan ang mga zombies upang makarating sa safe zone bago sila mahawa sa kumakalat na virus.

Uunahin ko na ang mga hindi ko nagustuhan sa pelikula. Una ay ang hindi magandang pagkakasulat sa dialogue ng palabas. Na bawat susunod na galaw, imbis na gawin na lang ng mga karakter ay kailangan pa nilang sabihin na para bang hindi mo ito nakikita. Para siyang dialogue na isinulat para sa radyo. Hindi rin kagandahan ang special effects nito na hindi naman gaanong kinakailangan para sa isang zombie movie. Masyadong halata ang effects na tila tinipid. Maging ang mga putok ng baril ay kailangang computerized na parang sa 90's

Gayunpaman ay na-enjoy ko parin ang panonood ng pelikula dahil sa komedya na dulot ng tatlong lola. Patatawanin ka nila katulad ng nakasanayan ng lahat sa Kalye Serye. Bukod doon ay maganda rin ang pagiging diverse ng mga karakter na kahit papaano ay nabigyan ng kaniya-kaniyang characterization. Sa kanilang lahat si dela Cruz ang nagpakita ng galing sa pag-arte, napagsabay nito ang pagiging kontrabidang may halong humor at drama. Magaling din ang mga bata lalo na si Cayetano na tinalo pa ang mga nakatatanda sa kaniya. Makikita mo sa kaniya ang tunay na pagmamahal sa kaniyang mga lola. Marami pang room for improvement sa pag-arte nila Medrano at Saito, hindi mo sila dama sa palabas hindi tulad nila Abella at Solinap na kahit support lang ang mga role ay nandoon ang kanilang presensya.

Overall ay nagkaroon ng nakakatuwang adventure ang mga lola laban sa mga zombies. Hindi lang tuwa ang kanilang naipadama sa mga manonood kundi maging ang thrill at higit sa lahat ay drama. Paiiyakin ka sa bandang dulo dahil na rin sa nakakadalang musical scoring nito sa mga heavy scenes.


No comments:

Post a Comment