Poster courtesy of My Movie World © Viva Films |
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Pokwang, Benjie Paras, Andre Paras, Abby Bautista, Alonzo Muhlach
Genre: Comedy, Horror
Runtime: 1 hour, 50 minutes
Director: Wenn Deramas
Writer: Wenn Deramas, Mel Mendoza-del Rosario,
Production: Viva Films
Country: Philippines
Isang pamilya ng aswang ang Wang Family na binubuo ng mag-asawang sina Malou Wang (Pokwang), isang full-blooded aswang, at Boo Wang (Benjie Paras) na dating mortal at naging aswang matapos itong kagatin ni Malou upang mailigtas ito sa panganib. Sila ay may tatlong anak, si Duke Wang (Andre Paras), Kala Wang (Abby Bautista) at Vey Wang (Alonzo Muhlach). Ang pamilyang ito ay matagal nang nangangarap ng isang simple at tahimik na buhay ngunit dahil sa pagiging aswang nila ay nahirapan silang makahanap ng maayos na tahanan.
Nang madiskubre ng taumbayan ang kanilang sikreto ay napilitan ang pamilya Wang na muling lumipat ng lugar na titirahan. Nagtungo ang pamilya sa dating bahay ni Boo sa paghahangad na magkakaroon na sila ng normal na buhay ngunit nang makita mismo ng kapitbahay nilang si Kay (Candy Pangilinan) ang pagpapalit-anyo ng kanilang pamilya ay sinikap nitong ikalat sa buong baranggay ang tunay na pagkatao ng Wang Fam. Kasabay nito ay ang simula ng mga kababalaghan sa kanilang lugar.
Ang una mong mapupuna sa pelikula ay napaka-cheap tignan ng visual effects. Sinabayan pa ito ng trying hard at OA na pagpapatawa ni Benjie Paras kaya naman sa simula pa lang ay magkakaroon ka na ng hindi magandang impresyon sa pinapanood mong pelikula. Hindi nakakatawa ang script na mayroong hawig ang pagkaka-hulma sa mga tira ni Vice Ganda sa mga kaniyang palabas. May ilang pagkakataong okay naman ang antics ni Pokwang ngunit tulad ni Paras ay may pagka-OA rin ito dahil na siguro sa hindi kagandahang script.
Sa totoo lang, sa mga pangalan lang nila ako natawa na isang beses lang kapag napagtanto mo kung ano ang mga ito. Hindi ikina-angat ng pelikula ang musical scoring nito na nagmistulang sitcom ang dating. Mas lalong hindi rin nakatulong si Candy Pangilinan na nilampasan pa ang overacting ni Paras. Ang panonood nito ay parang challenge — try not to cringe challenge.
Mabuti na lang at may disente itong storyline kahit papaano, iyon nga lang ay hindi maganda ang naging execution nito dahil mas nag-pokus sila sa kung ano ang magpapatawa sa audience. Maganda rin ang naging chemistry nila Andre Paras at Yassi Pressman kahit na may cliché silang sub-plot. At sino ba naman ang hindi matutuwa sa on-screen cuteness ni Alonzo Muhlach?
Maganda sana ang kinalabasan nito kung binalanse nila ang comedy at horror sa istorya nito. Kaso nga lang ay masyado nilang pinag-aksayahan ang pagpapatawa na hindi naman pumapasok sa banga kaya nadali tuloy pati ang kuwento nito.
No comments:
Post a Comment