Search a Movie

Monday, April 16, 2018

Nine Dead (2010)

Poster courtesy of Subscene
© Heartbreak Films
4 stars of 10
★★★★ ☆☆☆☆☆☆

Starring: Melissa Joan Hart, John Terry, Chip Bent
Genre: Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 38 minutes

Director: Chris Shadley
Writer: Patrick Wehe Mahoney
Production: Hartbreak Films, Louisiana Media Productions
Country: USA


Siyam na estranghero ang kinidnap at ikinulong sa isang kuwarto habang naka-posas sa poste. Isang kriminal, isang pulis at isang dealer ng mga baril ang tatlo dito. Mayroon ding pari, strip club owner, attorney at ang tatlo pay ay isang health insurance executive, rapist at isang Chinese store owner na hindi nakaka-intindi ng Ingles.

Hindi nila kilala ang isa't-isa ngunit kinakailangan nilang alamin kung ano ang koneksyon nila sa bawat isa at kung bakit sila kasama sa mga bihag. At kung wala silang maipakitang dahilan ay isa ang papatayin sa kanilang siyam kada sampung minuto.

Kita sa palabas ang pagkakaroon nito ng inspirasyon sa pelikulang Saw. Hindi nga lang ganoon kalaki ang budget nito at hindi rin magaling ang mga aktor na nagsiganapan dito. Sa mga ganitong klase ng palabas, kung saan ang mga bida at ang buong pelikula ay magaganap lamang sa isang kuwarto o lugar, makikita ang galing ng mga writers sa pagbuo ng characterizations sa bawat bida. Nagkaroon naman ito ng maayos na characterization at maganda ang background stories na ibinigay sa bawat isa. Ang problema ay nakakawalang gana ang kinalabasan ng istorya dahil sa nakakabobo nitong dahilan.

Karamihan sa kanila ay inosente at hindi kinakailangan ng parusa dahil napakaliit ng kanilang ginawa upang maging parte sa koneksyong ito. Hindi ka maaantig sa istorya ng taong nasa likod ng pag-kidnap dahil napakababaw ng rason nito. Kinakailangan niya ng hustisya ngunit malayo sa pagkakaroon ng hustisya ang kaniyang ginawa.

Maganda ang konsepto ng palabas ang problema ay hindi ito nabigyan ng magandang kuwento. Hindi rin nakapagbigay ng magandang performance ang bawat aktor na bida rito na siya sanang pambawi sa hindi kagandang set ng pelikula. Lalo pa itong pumangit dahil sa nakakadismaya nitong pagtatapos.


No comments:

Post a Comment