Poster courtesy of Coco Martin © Artiste Entertainment Works International |
8 stars of 10
★★★★★★★★ ☆☆
Starring: Joel Torre, Jaclyn Jose, Ronnie Lazaro, Irma Adlawan
Genre: Drama
Runtime: 1 hour, 34 minutes
Director: Neal Tan
Writer: Neal Tan, Anthony Gedang
Production: Artiste Entertainment Works International
Country: Philippines
Nagmamay-ari ng isang punerarya si Guido (Joel Torre) sa Kalyehong Walang Lagusan, isang lugar sa squatter's area na tirahan ng mga masasamang loob tulad ng snatcher, prostitute at drug dealers. Dahil sa hirap ng kanilang buhay, imbes na ibenta ay ipinapa-renta na lang ni Guido ang kaniyang mga kabaong upang sa gayon ay makatipid ang kaniyang mga kapitbahay.
Ang Ataul: For Rent ay tinatawag na satire kung saan ay ginagamitan ito ng exaggerated na humor upang ipakita ang mga issue sa lipunan na hindi nalalayo sa tunay na buhay. Walang storyline na susundan ang pelikula, bagkus ay ipapakita nito ang pangaraw-araw na buhay ng mga tao sa iskwater. Parang dokyumentaryo ang istilo ng palabas ang kaibahan nga lang ay isa itong fictional na istorya.
Magagaling ang buong cast mula sa may malalaking pangalan tulad nila Jaclyn Jose, Pen Medina, Irma Adlawan at Joel Torre hanggang sa mga baguhan at ekstra. Maganda ang pagkakasulat sa dialogue ng mga karakter, ito ang susubaybayan ng manonood kahit na wala itong kuwento na iniikutan. Sakto lang ang humor ng pelikula, hindi ito OA. Walang punchline pero nakakatawa ang mga one-liners ng mga bida.
Naipakita nito hindi lang ang buhay ng isang iskwater kundi ang hirap na kanilang dinaranas at sa kabila no'n ay ang mga pag-aaliw nila sa kanilang mga sarili mairaos lang ang isang araw. Ipaparamdam ng palabas ang mga problema ng lipunan, kung papaano ito nagsimula at kung papaano ito tumatakbo sa araw-araw.
Hindi man ganoon kaganda ang production ng palabas ay nagkaroon naman ito ng maayos na representasyon sa isa sa mga problema ng ating lipunan. Ito'y dahil sa tulong ng magagaling na artista at magandang pagkakasulat sa buong pelikula.
No comments:
Post a Comment