Poster courtesy of IMP Awards © Sony Pictures Animation |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Domhnall Gleeson, Rose Byrne, James Corden
Genre: Animation, Comedy, Family, Romance
Runtime: 1 hour, 35 minutes
Director: Will Gluck
Writer: Rob Lieber, Will Gluck, Beatrix Potter (book)
Production: Animal Logic Entertainment, Columbia Pictures, Olive Bridge Entertainment, Screen Australia, Sony Pictures Animation
Country: Australia, USA
Upang mabuhay ay palihim na nagnanakaw ng mga gulay sina Peter Rabbit (James Corden) at ang mga kapatid nito sa bakuran ni Mr. Joe McGregor (Sam Neill). Isang araw, nang mahuli si Peter ni Joe McGregor ay bigla itong inatake sa puso at namatay. Nagsaya si Peter at ang mga kasama nitong hayop dahil wala nang kontrabida sa kanilang buhay. Ngunit panandaliang pagsasaya lang pala ang kanilang mararanasan dahil sa pagdating ni Thomas McGregor (Domhnall Gleeson), ang pamangkin ni Joe na siyang magmamana sa lahat ng ari-arian ni Joe, ay nagbalik ulit sa dati ang kanilang pamumuhay.
Susubukan palaysin ni Peter si Thomas sa pamamagitan ng pamemeste rito ngunit sa pagkakataong ito ay nakahanp na ang naturang kuneho ng kaniyang katapat.
Visually ay maganda sa mata ang buong pelikula. Vibrant ang mga kulay na ginamit at magaganda ang scenery ng pelikula kaya naman madali lang nitong makuha ang atensyon ng mga bata. Lively at upbeat rin ang mga kanta rito at bukod doon ay maganda ang naging animation nito.
Ang naging problema ko lang sa palabas ay ang dark humor nito na tila hindi puwede para sa mga bata. SPG kumbaga dahil sa kabila ng entertainment na dulot nito, deep inside ay alam mong may mali. Nagsimula sa mga pagnanakaw na ginagawa ng grupo nila Peter Rabbit, sinundan ng pagsasaya nila sa pagkamatay ng may-ari ng bahay at mahirap ding palampasin ang tila misyon nilang sirain ang buhay ni Thomas to the point na halos mapatay na nila ito.
Ngunit hindi lahat ng mali ay nakay Peter, maging ang mga bidang tao nito ay mayroon ding pagkakamali tulad ng walang pagdadalawang-isip na brutal na pagpatay sa hayop na kahit papaano ay wala namang ipinakita sa palabas ngunit nandoon parin ang proseso. Ang lahat ng ito ay para sa humor ng pelikula ngunit kung iisipin ay hindi ito magandang impluwensya para sa mga bata.
Hindi rin ganoon kaganda ang naging takbo ng kuwento nito na halos sumunod lang sa parehong formula ng mga family movies. Walang nang bagong ipinakita ang palabas gayunpaman ay nandoon parin naman ang pagiging entertaining nito na siya namang hanap ng karamihan.
No comments:
Post a Comment