Poster courtesy of IMP Awards © StudioCanal |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Liam Neeson, Vera Farmiga, Patrick Wilson
Genre: Action, Mystery
Runtime: 1 hour, 45 minutes
Director: Jaume Collet-Serra
Writer: Byron Willinger, Philip de Blasi. Ryan Engle
Production: Ombra Films, The Picture Company, StudioCanal
Country: United Kingdom, USA
Dating pulis si Michael MacCauley (Liam Neeson) at matapos ang sampung taong pagiging insurance salesman nito ay bigla siyang inalis sa trabaho. Sa huling pagkakataon ay sasakyan muli Michael ang tren na nakaugalian na nitong sakyan araw-araw. Sa naturang tren na ito niya makikilala ang misteryosang babae na si Joanna (Vera Farmiga).
Bibigyan ni Joanna si Michael ng isang misyon. Ito'y hanapin ang isang pasahero na may dalang bag. Ang laman ng naturang bag ay hindi pagmamay-ari ng taong may hawak nito. Kapalit ang malaking halaga ng pera ay kinakailangan niyang mahanap ang taong ito bago pa man ito makababa ng tren.
Sa sampung taon na pagsakay ni Michael sa naturang tren ay halos kakilala na nito ang lahat ng pasahero maliban sa limang tao. At isa sa kanila ang maaaring may hawak ng bag na tinutukoy ni Joanna.
Bagong konsepto ang hatid ng The Commuter ngunit dahil sa loob ng tren lang ang naging setting ng palabas ay medyo nabagalan ako sa naging pacing ng kuwento. Sa karakter lang ni Neeson umikot ang palabas at naging one-dimensional lang ang labas ng ilan sa supporting characters nito. Sa totoo lang, maging ang bida nito ay one-dimensional lang din ang karakter at walang naipakitang kakaiba o bago. Katulad lang nito ang mga nakaraang karakter na ginampanan na ni Neeson - heroic at magaling sa labanan.
Ngunit kahit naging mabagal man ang naging pacing ng kuwento ng The Commuter ay nagkaroon naman ito ng maganda at kakaibang istorya. Nailatag ng maayos ang mga tiwst nito at naging likable din sa huli ang mga karakter na kasama sa istorya kahit na kinulang ito ng misteryo. Makakapanood ka parin ng maaayos na aksyon kahit na sa buong pelikula, ang halos ginawa lang ni Neeson ay ang maglakad sa loob ng tren.

No comments:
Post a Comment