Genre: Action, Drama, Mystery
Runtime: 98 minutes
Director: Robert Schwentke
Writer: Peter A. Dowling, Billy Ray
Production: Touchstone Pictures, Imagine Entertainment
Country: USA
Isang aircraft engineer si Kyle Pratt (Jodie Foster) na kasalukuyang nagtatrabaho sa Berlin, Germany. Nang mamatay ang kaniyang asawa matapos mahulog sa building na kanilang tinitirahan ay naisipan niyang i-uwi ang mga labi nito sa US. Kasama ang anim na taong gulang na anak na si Julia (Marlene Lawston) ay sumakay ang dalawa sa isang bagong gawang eroplano kung saan isa siya sa mga nag-disenyo nito.
Ilang oras matapos ang take off, nagising si Kyle na wala na ang anak sa kaniyang tabi. Agad itong nag-panic at umagaw ng atensyon. Sa utos ng pilotong si Captain Marcus Rich (Sean Bean) ay hinalughog nila ang buong eroplano upang hanapin ang bata. Matapos ang malawakang paghahanap ay wala silang nakitang bata, dahil dito unti-unti na nilang pinagdudahan si Kyle kung mayroon nga ba siyang kasamang anak o wala lalo na't wala ninuman sa mga pasahero ang nakaka-alala o nakakakita kay Julia. Lalong lumakas ang suspisyon ng lahat nang malamang umiinom ng gamot si Kyle dahil sa stress at higit sa lahat, wala itong maipakitang ticket na dapat ay para sa kaniyang anak.