Search a Movie

Thursday, October 29, 2015

Stand by Me Doraemon (2014)

6 out of 10 stars
★★★★★★☆☆☆☆

Starring: Wasabi Mizuta, Megumi Ōhara, Yumi Kakazu
Genre: Animation, Comedy, Drama
Runtime: 95 minutes

Director: Takashi Yamazaki, Ryūichi Yagi, Tony Oliver
Writer: Takashi Yamazaki, Fujiko F. Fujio (manga)
Production: Shirogumi, Robot Communications, Shin-Ei Animation
Country: Japan

Dahil sa hirap at pagiging baon sa utang, mula sa hinaharap ay bumalik si Sewashi (Sachi Matsumoto), ang apo sa talampakan ni Nobita Nobi (Megumi Ōhara) kasama ang robot nitong si Doraemon (Wasabi Mizuta) sa taong 2004 kung saan bata pa lang si Nobita upang subukang palitan ang kapalaran nito. Ang naisip ni Sewashi na sagot sa dinaranas na problema ng kanilang pamilya sa 22nd century ay ang iwan ang robot nitong si Doraemon upang tulungan ang talunang buhay ni Nobita nang sa gayon ay maiwasan ang pagkakaroon nila ng malaking utang sa hinaharap. 

Kapag tuluyan nang napalitan ang hinaharap ni Nobita ay saka lang makakabalik si Doraemon sa tunay niyang amo. Naging magaan ang buhay ni Nobita simula nang dumating si Doraemon ngunit papaano na kapag dumating ang araw na babalik na si Doraemon sa mundong pinanggalingan niya? 

Saturday, October 24, 2015

A Clockwork Orange (1971)

8 out of 10 stars
★★★★★★★★☆☆

Starring: Malcolm McDowell, Patrick Magee, Michael Bates
Genre: Crime, Drama, Sci-Fi
Runtime: 136 minutes

Director: Stanley Kubrick
Writer: Stanley Kubrick, Anthony Burgess (novel)
Production: Warner Bros., Hawk Films Limited
Country: UK, USA

Bayolente at imoral, ito ang pelikula kung saan ang bida ay pareho mong kamumuhian at kaaawaan. Si Alex DeLarge (Malcolm McDowell) ay isang binatang nasanay na sa karahasan. Kasama ang kaniyang grupo na tinatawag niyang droogs ay umiikot ang kanilang buhay sa mga krimen tulad ng pambubugbog ng mga inosenteng tao, pamamasok ng bahay, pagnanakaw at panggagahasa. Sa kabila ng pagkakaroon ng karisma ay hindi naging maganda ang pakikitungo ni Alex sa kaniyang mga kasamahan kaya naman ito ang naging dahilan ng kaniyang pagkakulong matapos siyang iset-up ng kaniyang tropa sa isang krimen. 

Sa kulungan, para lang makalabas ay magboboluntaryo si Alex sa isang eksperimento kung saan sasabak siya sa isang aversion therapy na naglalayong tanggalin ang violent side ng kaniyang pagkatao. Ito ay ang magsisilbing sagot sa problema sa krimen ng kasalukuyang lipunan. Nagtagumpay man ang eksperimento ay hindi aayon ang lahat sa inaasahan nilang plano.

Wednesday, October 21, 2015

The Nightmare (2015)

5 out of 10 stars
★★★★★☆☆☆☆☆

Starring: Siegfried Peters, Stephen Michael Joseph, Yatoya Toy
Genre: Documentary
Runtime: 91 minutes

Director: Rodney Ascher
Production: Zipper Bros Films, Campfire
Country: USA

Pagtulog ang isa sa mga pangunahing pangangailangan ng tao upang mabuhay, ito ang kailangan natin upang makapagpatuloy sa araw-araw nating gawain ngunit minsan ang bagay na ito na siyang paboritong gawin ng karamihan ay may mga pagkakataon na may nagaganap na hindi pangkaraniwan, isa na dito ang tinatawag sleep paralysis o ang pansamantalang pagkawala natin ng kontrol sa ating katawan tuwing tayo'y natutulog o magising mula sa pagkakatulog. Ito ang paksa ng dokyumentarong The Nightmare kung saan walong tao na dumanas o kasalukyang dumaranas sa sleep paralysis ang magpapahayag ng kanilang kuwento.

Monday, October 19, 2015

Chef (2014)

7 out of 10 stars
★★★★★★★☆☆☆

Starring: Jon Favreau, John Leguizamo, Emjay Anthony, Sofía Vergara
Genre: Adventure, Comedy, Drama
Runtime: 114 minutes

Director: Jon Favreau
Writer: Jon Favreau
Production: Aldamisa Entertainment, Kilburn Media
Country: USA

Head chef sa isang popular na restaurant, si Carl Casper (Jon Favreau) ay naghahanda para sa pagdating ng isang food critic at sikat na blogger na si Ramsey Michel (Oliver Platt) sa kanilang restaurant. Sa kabila ng pagkakaroon ng mga bagong putahe sa kanilang menu na para kay Ramsey ay iniutos ng restaurant owner na si Riva (Dustin Hoffman) na manatili na lang sila sa dati nilang menu kung saan sumikat ang kanilang kainan. Dahil sa desisyong ito ni Riva ay nauwi sa hindi kanais-nais na review ang nakuha ni Carl mula sa manunulat na si Ramsey.

Sa galit ay aksidenteng hinamon ni Carl si Ramsey sa Twitter na muling bumalik sa kanilang restaurant upang tikman ang bagong putahe na kaniyang inahanda. Sa kasamaang-palad ay hindi ulit pumayag si Riva sa bagong menu ni Carl na siyang naging sanhi ng kaniyang pagbibitiw sa trabaho.

Friday, October 2, 2015

Minions (2015)

6 out of 10 stars
★★★★★★☆☆☆☆

Starring: Pierre Coffin, Sandra Bullock, Jon Hamm
Genre: Animation, Comedy, Family
Runtime: 91 minutes

Director: Kyle Balda, Pierre Coffin
Writer: Brian Lynch
Production: Illumination Entertainment
Country: USA

Una silang nakilala bilang makukulit na alalay ni Gru, ngayon ay sila na mismo ang bida sa Minions, ang prequel ng sikat na Despicable Me kung saan tatalakayin nito ang naging buhay ng mga minions bago sila napunta sa pangangalaga ni Gru.

Isang solong pelikula para sa mga minions ang matagal nang pinapangarap ng mga fans. Maging ako ay naisip ko na rin na magiging riot kung nagkataong magkaroon ng sariling palabas ang mga maliliit na kulay dilaw na nilalang na ito, at nagkatotoo nga. Mataas ang naging ekspektasyon ko sa pelikulang ito dahila una: minions ang nagdala sa Despicable Me 2 at pangalawa: minions sila, aasa ka talaga na purong katatawanan ang dulot nila dahil napatunayan na nila ito sa unang dalawang pelikula.