Search a Movie

Sunday, November 27, 2016

Sausage Party (2016)

Poster courtesy of IMP Awards
© Columbia Pictures
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Seth Rogen, Kristen Wiig, Jonah Hill
Genre: Animation, Adventure, Comedy
Runtime: 1 hour, 29 minutes

Director: Conrad Vernon, Greg Tiernan
Writer: Kyle Hunter, Ariel Shaffir, Seth Rogen, Evan Goldberg, Jonah Hill (story)
Production: Annapurna Pictures, Columbia Pictures, Point Grey Pictures
Country: USA


Sa Shopwell's Grocery Store, kung saan ang mga pagkain dito ay namumuhay sa paniniwalang kapag binili na sila ng kanilang diyos (ang mga tao) ay makakapunta na sila sa "Great Beyond". 

Isa si Frank Wienerton (Seth Rogen), isang sausage, sa naniniwala sa kuwento ng Great Beyond. Matagal na nitong ninanais na makasama ang nobyang tinapay na si Brenda Bunson (Kristen Wiig) kaya naman nang dumating ang araw na isang customer ang pumili sa kanilang dalawa ay hindi maitago ang kaniyang saya. Hanggang sa isang Honey Mustard ang nagwala at nagsabing walang katotohanan ang Great Beyond. Dahil dito ay nagkagulo ang mga pagkain sa cart sakay sina Frank at Brenda, lumabas ang dalawa sa kaniya-kaniyang pakete at aksidenteng nahulog mula sa cart. Dito na nagsimula ang pakikipagsapalaran ni Frank sa pagtuklas ng katotohanan sa likod ng Great Beyond.

Ang Sausage Party ay isang pelikulang may bihis pambata ngunit ang totoo ay ginawa upang kawilian ng mga matatanda. Maganda ang animations, napaka-cute ng mga karakter na kahit sinong bata ay talagang magkaka-interes dito. Napaka-inosente ng simula hanggang sa lumabas na ang tunay nitong kulay. Ang dialogue ay punong-puno ng sexual innuendos. Ala-Duterte rin ang murahan na nakakapanibago dahil nagmumula ito sa bibig ng isang cartoon character.

Maganda ang itinakbo ng istorya na may kaunting resemblance pa sa Toy Story 2 (1999) kung saan ang kaibigan ng mga bida ay gumawa ng misyon upang hanapin ang nawalay na kasamahan. Hanggang sa umabot sa kalagitnaan ang kuwento kung saan unti-unti na nitong sinira ang sinimulang kagandahan. Naging exaggerated na ang mga kaganapan at nagsimula nang magsilabasan ang mga butas sa kuwento.

Isa na naman itong kaso ng pelikula na hindi nadala ang ganda hanggang sa dulo. Matino na sana ang kinalabasan nito kung hindi lang pinaglaruan ang ending na nauwi sa literal na food porn. Kung sabagay, mahirap mag-abang ng disenteng pelikula mula sa isang mapaglarong Seth Rogen.


No comments:

Post a Comment