Search a Movie

Friday, November 25, 2016

Fargo (1996)

Poster courtesy of IMP Awards
© PolyGram Filmed Entertainment
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: William H. Macy, Frances McDormand, Steve Buscemi, Peter Stormare
Genre: Crime, Drama, Thriller
Runtime: 1 hour, 38 minutes

Director: Joel Coen
Writer: Joel Coen, Ethan Coen
Production: PolyGram Filmed Entertainment, Working Title Films
Country: USA, United Kingdom


Dahil sa problemang pinansyal, isang krimen ang sinubukan ni Jerry Lundegaard (William H. Macy) upang maisalba ang sarili sa isang matinding suliranin. Nakipagkasundo si Jerry sa dalawang kriminal (Steve Buscemi at Peter Stormare) upang kidnapin ang inosente nitong asawa kapalit ang ransom na magmumula sa mayaman nitong biyenang lalaki.

Ngunit ang inaasahang tahimik at mapayapang kidnapan ay nauwi sa karahasan nang magkasunod-sunod ang mga problemang humarang sa plano ni Jerry. Lalo pang nagkandabuhol-buhol ang mga pangyayari nang isang buntis na pulis ang umeksena sa pagsisikap na malutas ang nangyaring patayan na naganap dahil sa sinimulang plano nito.

Sa kabila ng pagkakaroon ng Fargo ng magandang istorya, walang akong naramdamang impact nang matapos ko ang pelikula. Maganda ang pagkakasulat sa mga karakter. Ang nakakatuwa dito ay makikita mo sa kanila ang mga katangahan na nakikita mo sa mga normal na tao. Mas nagmistulan itong satire sa halip na dark comedy na hindi naman ikinabawas ng ganda ng pelikula.

Ngunit bilang isang manonood, nabawasan ng thrill ang pelikula nang simula pa lang ay alam na natin kung sino ang salarin. Kahit papaano ay nagawa parin naman ng magkapatid na Coens na kapana-panabik ang mga eksena nang magbigay sila ng karakter na siyang kakampihan ng mga viewers at ipinasok ang karakter ni Frances McDormand.

Ang Fargo ay isa sa mga pelikulang may magaling na cast at maayos na screenplay ngunit hindi ko ito nakitaan ng mga eksenang nakakamangha. Bagkus ay nagkaroon pa ako ng ilang katanungan sa dulo na kinailangan ko pang hanapin sa internet ang kasagutan tulad ng: ano ang kinalaman ng Asian character sa kuwento? 


No comments:

Post a Comment