Search a Movie

Friday, November 18, 2016

The Prenup (2015)

Poster courtesy of My Movie World
© Regal Entertainment
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Jennylyn Mercado, Sam Milby
Genre: Comedy, Romance
Runtime: 1 hour, 58 minutes

Director: Jun Lana
Writer: Jun Lana
Production: Regal Entertainment
Country: Philippines


Matapos ang tagumpay ng English Only, Please ni Jennylyn Mercado ay panibagong romantic-comedy na naman ang pinagbidahan nito katambal ang aktor na si Sam Milby. Isang anak na nangungulila sa Amerikanong ama si Wendy (Mercado). Sa paghahangad na makapiling ang tunay na ama ay nagtungo siya sa Estados Unidos upang katagpuin ito ngunit nauwi sa kabiguan ang biyahe ni Wendy nang hindi siya tinanggap ng ama sa kagustuhan na rin ng bago nitong pamilya.

Tutulungan siya ng isang Pinoy na nakatira sa New York, si Sean (Milby) na bago nito ay nakasabayan na ni Wendy sa eroplano at nagkaroon ng hindi gaanong kagandang simula. Habang nasa New York ay nanatili si Wendy sa tirahan ni Sean hanggang sa nagtagal ay unti-unting nagkamabutihan ang dalawa, naging mag-syota at hindi naglaon ay nagdesisyong magpakasal na. Ngunit pagbalik ng dalawa sa Pilipinas, isang problema ang kakaharapin nila nang hindi magkasundo ang pamilya ni Wendy at Sean dahil sa isang prenuptial agreement.

Nadala ni Mercado ang makulit at nakakatuwa nitong pag-arte sa English Only, Please dito sa pelikula. Bagamat minsan ay umaabot sa puntong overacting na ang pagpapatawa nito ay may ilang punchlines naman siyang nagdadala ng tuwa sa mga eksena. Wala akong masabi kay Milby dahil tipikal lang naman ang ipinamalas nitong pag-arte. Wala ring malaking kaganapan sa karakter nito na kailangang abangan maliban na lang kung kasama nito ang karakter ni Mercado, tuwing nagsasalpukan ang magkaibang personalidad ng karakter nilang sina Wendy at Sean.

Pagdating sa supporting cast, may ilang pasok at may ilang mapapangiwi ka na lang sa sobrang ka-OA-han. Masyadong nagkalat sina Gardo Versoza at Dominic Ochoa sa kanilang gay roles sa puntong bawat linya nila ay maiinis ka sa halip na matatawa. Kabaliktaran naman dito sina Neil Coleta at Jaclyn Jose na parehong nagbigay ng sakto lang ng pagganap sa kani-kanilang papel sa pelikula. Makulit at kawili-wili ang clash ng dalawang pamilya ngunit pangit at pilit ang mga sinulat na subplot para sa ibang karakter nito.  Maganda sana ang ginawang conflict sa pelikula kung hindi lang magulo ang pag-prisinta. Katulad ng inaasahan ay nauwi sa pagiging cliché at cheesy na ending ang lahat.

Nasayang ang pelikula dahil sa nakakalitong direksyon ni Jun Lana. May pagkakataong mapapatanong ka na lang sa takbo ng istorya dahil may mga eksenang tila nilaktawan at biglang may nangyari na pala ng hindi mo namamalayan. Masyadong pinahaba at pinaikot-ikot ang kuwento at sa huli ay bigla na lang itong tinapos ng hindi mo man lang naramdaman kung ano ang nangyari at mapapatanong ka na lang ng, bakit at paano nangyari yun?


No comments:

Post a Comment