Poster courtesy of Wikipedia © Regal Entertainment |
★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Dennis Trillo, Carla Abellana, Erich Gonzales, JC de Vera, Lovi Poe, Matteo Guidicelli
Genre: Horror
Runtime: 2 hours, 10 minutes
Director: Dondon Santos, Jerrold Tarog, Perci Intalan
Writer: Rody Vera, Zig Marasigan, Jerrold Tarog, Evie Macapugay, Renei Dimla, Perci Intalan
Production: Regal Entertainment
Country: Philippines
Sa ika-labinlimang pagkakataon ay muling nagbalik ang franchise ng Shake, Rattle & Roll ng Regal Entertainment. Katulad ng nakasanayan, ang palabas ay nahahati sa tatlong kuwento ng kababalaghan. Nagsimula ito sa istorya ng "Ahas" na iikot kay Sandra (Erich Gonzales) at ang kambal nitong si Sarah na kalahating tao at kalahating ahas. Sa kanilang ika-25th na kaarawan ay hindi na natiis ni Sarah ang trato sa kaniya ng amang si Alberto (Ariel Rivera) na nagmamay-ari ng mall. Lumabas si Sarah sa kaniyang lungga upang katagpuin ang lalaking iniibig, Troy (JC de Vera), ngunit hindi nito inaasahan ang naging reaksyon ng mga tao sa kaniyang hindi pangkaraniwang anyo.
Ang "Ulam" na siya naman pangalawang kuwento sa pelikula ay tungkol sa pamilya nila Henry (Dennis Trillo) at Aimee (Carla Abellana) na umuwi sa dating tirahan na pinapangalagan ng maid na si Aling Lina (Chanda Romero). Sa pagtira nila dito, unti-unting mag-iiba ang ugali ng dalawa na sanhi ng pagkain sa mga ulam ng luto ni Lina na may kakaibang sahog. Hindi nagtagal ay nag-iba ng anyo nina Henry at Aimee at nagsimulang saktan ang bawat isa.
"Flight 666" ang pinakahuling istorya sa palabas na magaganap naman sa himpapawid. Isang tiyanak ang ipinanganak sa loob ng eroplano kung saan nagsimula nitong patayin ang mga pasaherong lulan nito. Sa kabila ng gulong dala ng tiyanak ay nagtulungan ang stewardess na si Karen (Lovi Poe) at ang dati nitong nobyo na si Dave (Matteo Guidicelli) kasama ang pilotong si Bryan (Daniel Matsunaga) upang masugpo ang nilalang na pumapatay ng tao.
Sa tatlong segments, ang Ulam ang may pinaka disenteng kwento. Bukod sa kuwento ay maganda rin ang cinematography at magaling ang cast nito. Sina Jerold Tarrog, Abellana, Trillo at Chanda Romero ang nagsalba sa papalubog na franchise. Naipalamas ni Romero ang pagka-misteryoso ng kaniyang karakter at matatakot ka talaga sa kaniya. Sa visuals pa lang ay ibibigay na nito ang eerie feeling dahil sa dark at gloomy nitong cinematography na sinabayan pa ng magandang sound effects. Umuusad ang istorya mula sa palitan ng dialogue at dahil dito ay maganda ang pag-build up sa katatakutan. Ang problema lang siguro dito ay off ang prosthetics na ginamit ngunit bumawi naman sila sa ending.
Pagdating naman sa unang segment, ang Ahas, ang comedy antics ni Melai Cantiverso ang nagdala. Nagka-interes lang ako sa kuwento nito dahil base ito sa isang katha na mula sa isang sikat na mall sa Pilipinas. Pilit ang karakter ni Gonzales at hindi consistent ang effects dito na nag-iiba tuwing close-up shots. Nahirapan si Dondon Santos na bumuo ng tensyon at wala tuloy siyang naibigay na nakakatakot na eksena. Nakakalito rin kung sino ang Sarah o Sandra sa mga karakter at tila walang interes si Rivera sa kaniyang karakter. Madami ring butas sa kuwento tulad ng paglabas ng ahas na kaya naman pala niyang gawin anumang oras.
Ang siguro'y pinaka-masama sa tatlo ay ang Flight 666. Sisimulan ko sa effects na imbes na matakot ay matatawa ka dahil nagmukhang unggoy ang sana'y tiyanak. Kung gaano kaganda ang cast sa Ulam segment ay ganito naman kasagwa ang sa Flight 666. Panira sa mga eksena si Kuya Kim. Kung hindi OA ang karamihan ay wala namang kuwenta ang iba. Masyadong maraming one-sided characters na itinapon sa segment pero wala namang naitulong sa kuwento. Hindi maganda ang script at para lang silang nagpa-practice para sa isang school play.
Kahit maganda ang kinalabasan ng Ulam ay nahila ito pababa ng dalawa pa nitong kasamang kuwento. Kailanman ay hindi na naibalik ng Regal ang ganda ng mga nauna nitong installment sa Shake, Rattle & Roll at sana'y huwag na silang magtangka pang gumawa ng adisyon sa franchise na ito kung tulad din lang naman ng mga nakaraang palabas ang ilalagay nila sa ating plato.

No comments:
Post a Comment