Poster courtesy of IMP Awards © Laika Entertainment |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Art Parkinson, Charlize Theron, Matthew McConaughey
Genre: Animation, Adventure, Family, Fantasy
Runtime: 1 hour, 41 minutes
Director: Travis Knight
Writer: Marc Haimes, Chris Butler, Shannon Tindle (story)
Production: Laika Entertainment
Country: USA
Sa mahabang panahon, sa isang kuweba kalapit sa nayon nanirahan si Kubo (Art Parkinson) kasama ang may sakit nitong ina. Araw-araw itong dumadayo sa nayon upang magkuwento gamit ang kaniyang origami. Nang minsang gabihin ito sa labas dahil sa pagdalo nito sa Bon Festival, ang araw kung kailan nakikipag-usap ang mga taga-nayon sa kanilang namayapang kamag-anak, ay bigla siyang inatake ng dalawang babae — ang mga kapatid ng kaniyang ina na matagal na nilang pinagtataguan.
Kasama ang isang nagsasalitang unggoy (Charlize Theron) at isang taong salaginto (Matthew McConaughey) na walang alaala sa kaniyang nakaraan ay kinakailangan ngayong hanapin ni Kubo ang tatlong bagay na makakatalo sa kanilang kalaban upang mailigtas ang sarili mula sa kapahamakan: ang Sword Unbreakable, Magic Armor at Invulnerable Helmet.
Napakaganda at napakagaling ng stop-motion animation ng pelikula. Nakaka-engganyo itong panoorin dahil sa makulay at maganda nitong cinematography. Bukod doon ay nakakatuwa at kagiliw-giliw din ang mga katangi-tanging karakter nito na bahagyang may pagka-weirdo ang dating.
Maayos at nakaka-aliw naman ang naging takbo ng kuwento ngunit ang naging problema ko lang dito ay may mga pagkakataong mabagal ang usad nito na biglang tatalon at bibilis ang mga pangyayari kaya nagiging anti-climactic tuloy ang ilang eksena. Bubuo sila ng tensyon at kung kailan maganda na ang mga kaganapan ay bigla-bigla itong tatapusin katulad ng pagkuha ng bida sa espada na kanilang hinahanap. Minsan ay mahirap tuloy itong i-enjoy.
May pagka-cheesy ang naging climax ng pelikula. Hindi gaanong na-highlight ang kapangyarihan ng mga sandata na kanilang kinolekta. Inaasahan ko na rin ang magiging twist nito sa dulo dahil masyadong naging obvious ang mga senyales na kanilang ipinakita. Gayunpaman, hindi ka madidismaya sa mga actions scenes nito na sobrang intense na nararapat lamang sa isang animation na may magandang visuals.
No comments:
Post a Comment