Search a Movie

Monday, February 6, 2017

The Girl on the Train (2016)

Poster courtesy of IMP Awards
© Marc Platt Productions
6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Emily Blunt, Rebecca Ferguson, Haley Bennett
Genre: Drama, Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 52 minutes

Director: Tate Taylor
Writer: Erin Cressida Wilson, Paula Hawkins (novel)
Production: Amblin Entertainment, DreamWorks, Marc Platt Productions, Reliance Entertainment, Storyteller Distribution
Country: USA


Simula nang mapawalang-bisa ang kanilang kasal ng kaniyang asawa ay nagsimulang malulong sa alkohol si Rachel Watson (Emily Blunt). Araw-araw ay sumasakay ito ng tren na ang ruta ay dumadaan sa dati nitong tahanan. Doon ay lihim nitong sinusubaybayan ang buhay ng dati nitong asawa kasama ang bago nitong kinakasama na si Anna Boyd (Rebecca Ferguson) at ang babysitter ng kanilang anak na si Megan Hipwell (Haley Bennett) na nakatira lang din sa kanilang kalapit na bahay.

Lulong sa alak at hindi parin tanggap ang pag-iwan sa kaniya ng asawa ay sinubukang komprontahin ni Rachel si Megan na inakala niyang si Anna. Pagkagising nito kinaumagahan ay wala na itong rekoleksyon sa nagdaang gabi at saka na lang nito natanggap ang balitang nawawala na ang pinakahuling tao nitong nakita, si Megan.

Nakakalito ang naging pagkukuwento ng The Girl on the Train. May mga eksenang hindi mo mawari kung isa ba itong flashback o nangyayari na pala sa kasalukuyan. Kung ito ang paraan nila upang makagawa ng isang misteryosong kuwento ay bigo sila sa naging presentasyon nito. Mahirap sundan ang medyo dragging na unang parte nito at saka na lang ito naging intense nang dumating na sa parte kung saan nagsimula na ang tunay na kuwento. 

Magulo ang pag-build up sa climax kaya naman noong inilabas na ang twist ng pelikula ay hindi ito gaanong nakakagulat. Oo nga't mahirap hanapin ang tunay na salarin ito'y dahil nasa likod ang may sala at wala sa harapan ng screen. May pagkakatulad nga ito sa Gone Girl (2014) ngunit 'di hamak na mas maganda at mas kapana-panabik ng milya-milya ang kuwento ng palabas noong 2014 dahil madaling sundan ang timeline nito.

Ang tanging kahanga-hanga lang sa pelikula ay ang husay sa pag-arte ni Blunt. Nasa pagitan ng pagiging weird at freaky ang kaniyang karakter na nabigyang buhay naman niya ng maayos. Bukod doon ay malakas din ang appeal ni Bennett na masarap panoorin sa harapan ng screen. Sa kasamaang-palad ay ito lamang ang mga nagustuhan ko sa palabas.


No comments:

Post a Comment