Poster courtesy of IMP Awards © Palace Pictures |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Stephen Rea, Jaye Davidson, Forest Whitaker
Genre: Crime, Drama, Romance
Runtime: 1 hour, 52 minutes
Director: Neil Jordan
Writer: Neil Jordan
Production: Palace Pictures, Channel Four Films, Eurotrustees, Nippon Film Development and Finance, British Screen Productions
Country: Ireland, United Kingdom, Japan
Kinidnap ang British soldier na si Jody (Forest Whitaker) ng isang grupo ng Irish Republican Army kapalit ng paglaya ng mga kasamahan nilang hinuli at ikinulong. Sa tatlong araw na palugit ni Jody sa mga kamay ng taong nagtatangka sa kaniyang buhay ay makakagaanang-loob nito ang kaniyang bantay na si Fergus (Stephen Rea) dahil sa angkin nitong pakikisama. Kaya naman nang sumapit na ang araw kung kailan isakatuparan ang pagpaslang kay Jody ay hindi ito nagawa ni Fergus dahil na rin sa maikling pagkakaibigan na namuo sa pagitan nilang dalawa. Hindi man natuloy ang pagpatay ay aksidenteng nakitil ang buhay ni Jody sa pagdating ng hukbo ng mga Briton nang salakayin sila at patayin ang bawat miyembro ng IRA.
Nang makaligtas mula sa pagsalakay ay agad nagtungo si Fergus si London at nagtago sa alias na Jimmy. Dala ng nararamdamang konsensya sa pagkamatay ng kaibigan ay hinanap nito ang kasintahan ni Jody na si Dil (Jaye Davidson), na siyang inihabilin sa kaniya ng kaibigan bago ito mamatay, upang protektahan at pangalagaan mula sa banta ng mga dati nitong kasamahan.
Mabagal ang naging usad ng kuwento ngunit maganda at nakakapukaw ng interes naman ang mga karakter sa palabas. Pawang kaibig-ibig at nakakatuwa ang bawat karakter lalung-lalo na sa tatlong bida dahil may kaniya-kaniya silang personalidad na siyang kumakatawan sa pagiging diverse ng pelikula. Mula sa nasyonalidad at kasarian, lahat ng ito ay nabigyang pansin sa istorya.
Nakakagiliw ang unang parte ng kuwento ngunit mas naging interesante ito sa pangalawang yugto kung saan pumasok na ang karakter ni Davidson na si Dil. May chemistry sila ni Rea at kahanga-hanga ang naging pagganap ni Davidson sa kaniyang karakter bilang isang transgender dahil na rin siguro hindi ito nalalayo sa kaniyang totoong buhay dahil isa siyang tunay na bading. Unang salang palang niya ay aakalain mo talagang isa siyang dalaga lalo na nang hindi mapansin ni Jimmy ang kaniyang tunay na katauhan.
Sa kabuuan, maganda ang istorya, nakaka-aliw ang mga bida, makatotohanan ang mga pagganap ngunit malayo ito mula sa "thriller" na siyang ina-advertise ng pelikula.

No comments:
Post a Comment