Search a Movie

Tuesday, February 28, 2017

Music and Lyrics (2007)

Poster courtesy of IMP Awards
© Castle Rock Entertainment
5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Hugh Grant, Drew Barrymore
Genre: Comedy, Music, Romance
Runtime: 1 hour, 36 minutes

Director: Marc Lawrence
Writer: Marc Lawrence
Production: Castle Rock Entertainment, Village Roadshow Pictures, Reserve Room
Country: USA


Dating sikat ng pop music idol si Alex Fletcher (Hugh Grant) na nakilala mula sa grupo nitong PoP! Ngunit nang ma-disband ang grupo at mag-solo bilang singer ay unti-unti nang lumagapak ang career nito. Sa pagnanais na muling buhayin ang lumubog na career ay pinaunlakan nito ang hiling ng sikat at batang mangangawit na si Cora Corman (Haley Bennett) na magsulat ng bagong kanta base sa titulong "Way Back Into Love."

Ngunit kahit anumang pilit ang gawin ni Fletcher ay bigo siyang makagawa ng isang kanta. Nang madiskubre nito ang talento sa pagbuo ng mga salita ni Sophie Fisher (Drew Barrymore), ang babaeng pansamantalang nagdidilig ng kaniyang mga halaman ay hinimok niya itong makipagtulungan sa pagsulat ng kantang maaaring makapagpanumbalik sa kasikatang dati na nitong tinamasa.

Hindi ko alam kung dahil sa walang chemistry ang mga bida o dahil sa boring ang mga karakter nila kung bakit hindi ko na-enjoy ang love story sa pagitan nila Fletcher at Fisher. Sa totoo lang ay hindi interesting ang naging kuwento ng pag-ibig ng dalawa, mas nawili pa ako sa ginawang kuwento sa likod ng mga liriko ng sikat na love song. Magulo ang karakter ni Barrymore, mahirap makuha kung anong personality ang gusto niyang i-portray. Gayunpaman, bumawi naman ito sa naging backstory ng kaniyang karakter. Iyon nga lang ay sa credits na lang nalaman kung ano ang kinauwian ng subplot nito. Boring din ang karakter ni Grant, ni hindi man lang binigyang pagkakataong sumali sa kuwento ang dati nitong grupo na PoP! Hindi ko rin nagustuhan ang pagtrato nila sa naging conflict ng dalawang bida. Medyo cheesy at semi-satisfying lang ang kinalabasan at hindi ko naramdaman ang sinseridad sa paghingi ng tawad ni Fletcher. 

Maganda naman ang nais iparating ng pelikula, na karamihan sa mga mangangawit sa kasalukuyan ay wala nang paki-alam sa kung ano ang kanta basta mabenta ito at kumikita. Ang problema ko lang dito ay bagsak ang pa-kilig nito. Bukod dito ay bagsak din si Barrymore sa pag-arte na tila baguhang hirap sa pag-iyak.


No comments:

Post a Comment