Poster courtesy of IMP Awards © Lionsgate |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Matthew McConaughey, Marisa Tomei, Ryan Phillippe
Genre: Crime, Drama, Thriller
Runtime: 1 hour, 58 minutes
Director: Brad Furman
Writer: John Romano, Michael Connelly (novel)
Production: Lionsgate, Lakeshore Entertainment, Sidney Kimmel Entertainment, Stone Village Pictures
Country: USA
Karaniwang mga kriminal ang dinedepensahan ng attorney na si Mickey Haller (Matthew McConaughey) ngunit sa pagkakataong ito isang high-profile case ang napunta sa kaniya nang kunin siya bilang abugado ng isang mayamang personalidad na si Louis Ross Roulet (Ryan Phillippe). Si Roulet ay nahaharap ngayon sa kaso ng pambubugbog sa isang prostitute na ayon sa kaniya ay isang set-up lang upang siya ay maperahan.
Sa pagsisiyasat ni Haller sa kaso sa tulong ng kaibigan nitong imbestigador na si Frank Levin (William H. Macy) ay mapapansin ni Haller ang pagkakatulad ng kaso ni Roulet sa dati nitong kliyente na nahatulan ng pang-habang buhay na pagkakakulong. Bago pa man makagawa ng hakbang ay huli na bago mapagtanto ni Haller na nasa ilalim na siya ng isang makapangyarihang pamilya.
Bibigyan ka ng misteryo sa simula, pamamanghain ka sa kalagitnaan at pananabikin ka sa dulo. Ito ang mga pangunahing emosyon na mararamdaman mo sa panonood ng The Lincoln Lawyer. Marami ang mga karakter na sangkot sa palabas kaya sa simula ay nahirapan akong sundan ang takbo nito lalo na't mabilis ang mga pangyayari. Dito mo malalaman ang kuwento na iikutan ng pelikula. Para kang kabilang sa mga jury sa korte na inaanalisa ang bawat pangyayari. At kung kailan gamay mo na ang mga kaganapan ay bigla itong liliko at sasagutin ang mga katanungang ibinato sa'yo sa simula.
Kung sa isang pangkaraniwang pelikula na may tema ng court room drama ay sa katapusan pa malalaman ang tunay na salarin, dito sa pelikula ay maaga itong ipinamigay. Dahil dito, sa halip na maagang mawawalan ng interes ang audience sa kaniyang pinapanood ay mas lalalim pa ang pagkagusto nito sa kuwento dahil napanatili ng mga writer ang intensity ng kuwento. Sa pagkakataong ito ay ang karakter na ni Haller ang aabangan kung papaano nito lulutasin ang bagong problema na kaniyang kinakaharap. Dito na papasok ang nakakamanghang parte ng pelikula — sa paglutas ng bida sa conflict ng istorya.
Matapos ibigay ang pangalawang twist ay pasasabikin ka parin ng pelikula hanggang sa huli dahil kung kailan akala mo tapos na ang lahat ay may nakahanda pa silang alas sa mga manonood. Ito ang nagustuhan ko sa palabas, hindi sila nauubusan ng pasabog. Mapapabilib ka sa kuwento at mapapa-palakpak ka sa magandang pagganap ni McConaughey bilang isang swabeng defense attorney. Nakulangan lang ako ng kaunti sa mga eksena sa court room dahil hindi ko ito nakitaan ng mga matitinding harapan ngunit bumawi naman sila sa maayos at matalinong istorya at magaling na cast.

No comments:
Post a Comment