Poster courtesy of IMP Awards © Warner Bros. |
★★★★★★★ ☆☆☆
Starring: Fionn Whitehead, Tom Glynn-Carney, Jack Lowden
Genre: History, War
Runtime: 1 hour, 46 minutes
Director: Christopher Nolan
Writer: Christopher Nolan
Production: Syncopy, Warner Bros., Dombey Street Productions, Kaap Holland Film,
Country: United Kingdom, Netherlands, France, USA
Isang pagsasabuhay sa naganap nag paglikas ng mga sundalong Briton at Pranses mula sa dalampasigan ng Dunkirk, France noong World War II. Ipapakita ng pelikula ang naging paghihirap ng mga naturang sundalo upang makaligtas mula sa digmaan at kung papaano lumaban at nagtulungan ang ilan para sa kaligtasan ng nakakarami laban sa pananakop ng mga German.
Ang pelikula ay ay iikot sa tatlong timelines. Mula sa perspektibo ng British Army private na si Tommy (Fionn Whitehead) na nakipagsapalaran sa lupa, ang pakikipagbakbakan ni Collins (Jack Lowden), isang Royal Air Force Spitfire pilot, sa himpapawid at ang pagtulong ni Peter (Tom Glynn-Carney) at ng kaniyang amang si Mr. Dawson (Mark Rylance) sa mga sundalong nangangailangan ng saklolo karagatan.
Kudos kay Christopher Nolan para sa isa na namang napakagandang pelikula. Mula sa cinematography nito hanggang sa nakakangatog-tuhod na musical scoring ay bibigyan ka ng palabas ng mga tensyonadong kaganapan mula sa simula hanggang sa dulo. Aabangan mo talaga ang bawat tagpo at madadama mo ang hirap na dinanas ng mga bida nito. Hindi ka madidismaya sa mga teknikal na aspeto ng palabas.
Ngunit pagdating sa kuwento nito, dito nagkulang ang Dunkirk. Wala kang kuwentong sasabayan maliban na lamang sa isang layunin at iyon ay kung papaano makakaligtas ang mga sundalo sa giyera. Kinulang ng dialogue ang pelikula kaya naman maging character development ay wala ito nito. Dahil dito, pagkatapos ng palabas ay wala kang mararamdamang emosyon sa kinauwian ng kuwento.
Ang isa pang hindi ko gaanong nagustuhan sa palabas ay ang pagkakaroon nito ng iba't-ibang timelines na isa sanang magandang konsepto kaso ay nakakalito lalo na't salitan itong ipinakita habang tumatakbo ang istorya. May ilang eksenang paulit-ulit sa ibang point of view na kung hindi mo mapapansin ay aakalain mong parte ito ng pag-usad ng istorya iyon pala ay isa itong pangyayari na inulit lang sa ibang perspektibo ng ibang karakter.
Overall ay maganda at magaling ang pagkakagawa ng Dunkirk. Mai-enjoy mo itong panoorin kung ikaw ay naghahanap ng thrill. Huwag lang masyadong umasa pagdating sa emosyon dahil ito ang isang hindi maibibigay ng palabas.
No comments:
Post a Comment