Poster courtesy of IMP Awards © DreamWorks |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Jason Bateman, Olivia Munn, T. J. Miller, Jennifer Aniston
Genre: Comedy
Runtime: 1 hour, 45 minutes
Director: Josh Gordon, Will Speck
Writer: Justin Malen, Laura Solon, Dan Mazer, Jon Lucas (story), Scott Moore (story), Timothy Dowling (story)
Production: Amblin Partners, Bluegrass Films, DreamWorks, Reliance Entertainment
Country: USA
Kung hindi magagawan ng paraan ang papalubog na kita ng kumpanyang Zenotek na pinamumunuan ni Clay Vanstone (T. J. Miller) ay ipapasara na ng CEO at kapatid nitong si Carol Vanstone (Jennifer Aniston) ang kanilang branch. Kaya naman ang tanging paraan lang na naisip ni Clay upang maisalba ang kanilang kumpanya ay ang makakuha ng deal mula kay Walter Davis (Courtney B. Vance).
Kasama ang kaniyang Chief of Technical Advancement na si Josh Parker (Jason Bateman) at Chief of R&D na si Tracey Hughes (Olivia Munn) ay sinubukan ni Clay na makipagsosyo kay Walter ngunit hindi nito tinanggap ang alok ni Clay dahil sa sunod-sunod na pagsasara ng ilang branch ng Zenotek. Nangangamba rin si Walter na tila mas mahalaga sa kanilang kumpanya ang pera kaysa sa mga taong nagta-trabaho dito.
Upang maalis ang impresyon na ito ni Walter ay inanyayahan siya ni Clay na dumalo sa kanilang office Chirstmas party. Ito ang huli nilang alas upang maisalba ang kanilang minamahal na kumpanya.
Sa simula ay hindi umayon sa aking panlasa ang basic humor nito. The usual comedy antics tungkol sa mga isip batang boss at weirdong mga empleyado ang mapapanood mo rito. Majority ng palabas ay dito umikot ang kuwento ng pelikula upang ipakilala ang mga one-dimensional supporting characters nito at ang hindi ko mahanap-hanap na spark sa pagitan ng dalawang bidang sina Bateman at Munn.
Ngunit naiba ang timpla ng pelikula sa pagdating ng karakter ni Aniston at nang maipakilala na ang conflict ng istorya. Nagkaroon ng hugis ang kuwento at nagkaroon na rin ng character development ang bawat isa. Lalo ko pa itong na-enjoy nang dumating na ang climax nito. Si Kate McKinnon ang nagdala ng pelikula. Matatawa ka sa bawat banat nito lalo na't ang karakter niya ay wirdo na nasa loob ang kulo. Sinabayan pa ng mga deadpans ni Aniston ng ipinakita ang pagiging sanay nito sa pagpapatawa.
Nahirapan ang pelikulang kunin ang aking interes sa simula ngunit nakabawi naman sila nang malapit na itong matapos. Walang naging dating ang mga bida nito maliban kay Aniston. Maayos naman ang naging pag-arte ni Bateman subalit forgettable ang naging karakter nito. Mas lalo na kay Munn na hindi na nga maganda ang pagkakasulat sa karakter ay hindi pa marunong umarte. Para bang bawat pag-arte niya ay nagdadalawang-isip siya kung tama ba ang ginagawa niya.
Maganda ang pelikula bilang pamatay oras. Marami itong nakakatawang eksena at hindi rin naman masasayang ang oras mo sa panonood nito. Mediocre lang ang kuwento pero bumawi naman ang Office Christmas Party sa dala nitong humor.
No comments:
Post a Comment