Poster courtesy of IMP Awards © Di Bonaventura Pictures |
★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Jason Statham, Li Bingbing
Genre: Action, Sci-Fi, Thriller
Runtime: 1 hour, 53 minutes
Director: Jon Turteltaub
Writer: Dean Georgaris, Jon Hoeber, Erich Hoeber, Steve Alten (novel)
Production: Apelles Entertainment, Di Bonaventura Pictures, Flagship Entertainment Group, Gravity Pictures, Maeday Productions
Country: USA, China
Matapos ma-trap sa ilalim ng Marianas trench ang grupo ng mga oceanographer ay hinimok ng research facility na Mana One ang tulong ni Jonas Taylor (Jason Statham) na dating nagta-trabaho sa naturang pasilidad upang iligtas ang mga nasa ilalim ng karagatan matapos masira ang kanilang submarine mula sa isang hindi kilalang nilalang.
Hindi na dapat interesado si Taylor na bumalik sa dati nitong trabaho matapos nitong iligtas ang mga kasamahang na-trap din dati sa parehong lugar limang taon na ang nakakalipas lalo na nang hindi siya paniwalaan ng kaniyang mga kasamahan na may isang nilalang sa ilalim na hindi niya mabigyang ngalan. Ngunit nang mapag-alaman nitong kasama sa mga na-trap ang dati nitong asawa ay hindi na siya tumanggi pa.
Sa pagsisikap na mailigtas ang mga dating kasamahan ay aksidenteng mapapakawalan ng grupo nila Taylor ang isang halimaw na matagal nang nakakulong sa ilalim ng Marianas trench, ito ang Megalodon na isang uri ng pating na pinaniniwalaang matagal nang extinct milyong taon na ang nakakalipas. Dahil dito, hindi na lang ang mga kasamahan ang kinakailangang iligtas ni Taylor mula sa Megalodon kundi maging ang mga taong nakapalibot sa naturang karagatan.
Modern at futuristic ang naging approach ng The Meg sa killer shark genre na hindi na bago sa big screen. Gayunpaman ay nauwi parin ito sa luma at nakaugalian nang istorya kung saan ang pangunahing kalaban ay ang pating na sa simula'y hindi paniniwalaan ng karamihan maliban sa bida, aatake sa mataong lugar at sa huli'y ililigtas ng bida at ng kaniyang grupo ang mga mamamayan mula sa halimaw. May mga mangilan-ngilang rekados namang naidagdag rito katulad ng diverse na lead cast, mga hi-tech na gamit, magandang CGI (maliban sa beach scene) at level-up na pating.
Sa totoo lang, hindi ang Megalodon ang nagbigay ng thrill sa akin sa panonood ng pelikula kundi ang mga karakter nito. Kakabahan ka sa kung sinu-sino sa kanila ang magbubuwis ng buhay lalo na't madali lang silang magustuhan kahit na one-dimensional lang ang mga supporting characters dito. Ang ikinaganda nito ay kaunti lang ang naging casualty sa palabas nang gayon ay mas dama ang ending nito.
Sa pag-arte naman ng mga bida, nagampanan ng mga supporting characters ang kaniya-kaniyang karakter nila dahil wala naman silang mabibigat na eksena. Nagustuhan ko ang pagiging kalog ng karakter ni Page Kennedy, ang cool at may pagka-misteryosang si Jaxx (Ruby Rose), ang maasahang si Mac (Cliff Curtis) at bida-kontrabidang si Jack Morris (Rainn Wilson). Pagdating sa lead cast, maayos din ang naging portrayal ni Statham sa karakter ni Taylor ngunit wala paring ipinagbago ang pag-arte nito. Katulad ng nakasanayan, kung ano siya sa iba niyang pelikula ay ganoon din siya dito. Sa kabilang banda ay hindi ako napahanga ni Li Bingbing pagdating sa dramahan. Nakuha nito ang pagiging matapang at astig ng kaniyang karakter ngunit nang mapunta na sa matinding eksena ang kaniyang karakter ay dito na siya napag-iwanan.
Overall ay enjoy namang panoorin ang pelikula, may mangilan-ngilang eksena lang na mapapataas kilay ka dahil sa ilang maliliit na errors pero kaya naman natin itong palampasin for the sake of entertainment. Nabigyan naman nila ng bagong timpla ang nakasanayang killer shark na pelikula pero wala parin itong gaanong ipinagbago.

No comments:
Post a Comment