Search a Movie

Sunday, December 13, 2020

Maze Runner: The Death Cure (2018)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Dylan O'Brien, Kaya Scodelario, Thomas Brodie-Sangster
Genre: Action, Adventure, Sci-Fi
Runtime: 2 hours, 23 minutes

Director: Wes Ball
Writer: T.S. Nowlin, James Dashner (novel)
Production: Gotham Group, Temple Hill Entertainment, Twentieth Century Fox
Country: USA


Mula sa pangunguna ni Thomas (Dylan O'Brien) at sa tulong ng Right Arm resistance ay susubukan nilang iligtas ang kanilang kaibigang si Minho (Ki Hong Lee) at ilan pang tulad nilang immune sa Flare virus mula sa mga kamay ng WCKD. Sa misyong ito ay mapag-aalaman nilang mayroon pa palang isang syudad kung saan normal na naninirahan ang mga taong malayo mula sa nakagisnan nilang mundo.

Ito ang tinatawag na Last City, ang lugar na ito ay muling haharapin ni Thomas ang taong malapit sa kaniya na sumira sa kaniyang tiwala, si Therese (Kaya Scodelario).

Sa puntong ito ay dapat alam mo na na wala nang kinalaman ang libro, kung saan ito base, dito sa pelikula. Kung pakanan ang konklusyon ng libro ay kumaliwa naman ang konklusyon ng Maze Runner: The Death Cure. Mula sa pagiging science fiction-thriller ay naging maaksyon na ang mga kaganapan dito sa huling installment bilang pang-finale na kung ako ang tatanungin ay ang mas nagpa-excite sa akin na panooring ang pelikula.

Dito ay mas nabigyang kulay ang mga karakter nila Newt (Thomas Brodie-Sangster) at Minho na matagal ko nang hinihiling na gawin ng franchise. Kabaliktaran naman ang nangyari sa karakter ni Thomas. Naging unlikable siya dito dahil sa kaniyang pride, ego at selfishness. Para siyang rebeldeng teenager na kailangang may ilabas na teenage angst para magmukhang cool at heroic. Nangyari ito dahil ito ang ginustong direksyon ng mga taong nasa likod ng pelikula.

Nabawasan ang pagiging wicked ng WCKD dahil pinatunayan ng storyline ang kanilang kahalagahan. Naging contradicting ang ipinaglalaban ng bidang si Thomas sa buong franchise dahil sa kuwento ay siya pala ang mali. Na kahit suportahan pa siya ng pelikula, para sa aking mga mata ay para lang siyang binatang nagi-ego trip dahil sa pagiging espesyal niya. Sa totoo lang ay madali na lang solusyunan ang problema nila tutal ay nagpapaka-bayani naman siya. Kaso mas pinili niyang takbuhana ng kaniyang responsibildad na tulad na sinabi ko ay taliwas sa kaniyang ipinaglalaban sa buong franchise.

Sa pelikulang ito lumabas ang galing ng pag-arte nila Aidan Gillen (Janson), Rosa Salazar (Brenda) at Brodie-Sangster. Sila ang mga hinangaan ko habang pinapanood ang finale movie at sila rin ang ilan sa mga karakter na nagustuhan (at kinainisan) ko. Humanga rin ako sa CGI at ang bongga nitong production. Nagustuhan ko na sinunod nila ang libro pagdating sa paglalaro sa emosyon ng mga manonood gamit ang mga karakter na pamilyar na sa ating mga puso. Isa ito sa mga bumuhay sa palabas. Gayunpaman ay nakakalungkot lang na ang bidang sinubaybayan mo ay naging kontrabida nang hindi sinasadya.


Poster courtesy of IMP Awards.


No comments:

Post a Comment