★★★★★ ☆☆☆☆☆
Starring: Kang Ye-won, Lee Sang-yoon
Genre: Mystery, Thriller
Runtime: 1 hour, 31 minutes
Director: Lee Cheol-ha
Writer: Lee Cheol-ha
Production: OAL Media Contents Group, Valentine Film
Country: South Korea
Dinukot, ikinulong at pinagmukhang baliw. Ito ang kinasangkutan ng dalagang si Kang Soo-ah (Kang Ye-won) matapos siyang dalhin sa isang mental institution ng walang dahilan. Dito ay walang katapusang torture ang kaniyang dinanas kasama ang mga tulad niyang ninakawan ng kalayaan.
Isang taon ang lumipas ay isang kuwaderno ang natanggap ng program director na si Na Nam-soo (Lee Sang-yoon) laman ng mga nakakakilabot na pangyayari sa naturang psychiatric institution na ngayon ay sarado na matapos matupok ng sunog. Iimbestigahan ni Nam-soo ang sikretong itinatago ng nasabing psychiatric facility sa tulong ni Soo-ah na ngayon ay nakakulong dahil sa kasong pagpatay.
Mystery-thriller ang Insane gayunpaman ay hindi ito tulad ng mga detective-type na pelikula kung saan ay ibabahagi sa mga manonood ang mga clues para makasabay sa kuwento. Dito ay maghihintay ka lang ng mga rebelasyon para umusad ang istorya at mabigyang liwanag ang misteryong bumabalot dito.
Sa totoo lang ay hindi nakakapukaw ng interest para sa akin ang kuwento ng Insane. Pero totoo na nakakatakot ang katotohanan na maaaring ma-detain sa mental institution ang isang tao kahit na mentally healthy naman ito. Forgettable ang kuwento. As usual sa mga South Korean narratives ay tungkol na naman ito sa estado at pulitika. Medyo overused na pero magugulat ka pa rin sa mga twists and turns na inihanda rito, na sa tingin ko ay hindi na bago para sa mga manonood na mahilig sa ganitong klase ng genre. Dahil sa mga foreshadowing ay inaasahan ko na rin ang ganoong klaseng twist ng palabas.
Maayos naman ang mga pagganap pero walang gaanong espesyal dito. Okay ang kuwento, walang wow factor. Katulad ng sinabi ko ay madaling makalimutan ang istorya dahil wala itong mga kaganapang maaaring manatili sa utak ng mga manonood maliban sa twist sa dulo na medyo nagamit na rin ng ibang pelikula.
Poster courtesy of Pinteres.
No comments:
Post a Comment