Search a Movie

Sunday, November 22, 2020

Born Beautiful (2019)

5 stars of 10
★★★★★ ☆☆☆☆☆

Starring: Martin del Rosario, Kiko Matos, Akihiro Blanco
Genre: Comedy
Runtime: 1 hour, 36 minutes

Director: Perci Intalan
Writer: Jun Lana, Rody Vera (story), Elmer L. Gatchalian, Fatrick Tabada, Ivan Andrew Payawal
Production: Cignal Entertainment, Octobertrain Films, The IdeaFirst Company
Country: Philippines


Sa pagkawala ng kaniyang matalik na kaibigang si Trisha (Paolo Ballesteros) ay dumadaan ngayon sa moral dilemma si Barbs (Martin del Rosario) tungkol sa kaniyang pagiging transgender. Mas lalo pa itong lumala nang maging siya ay muntik nang tamaan ng kidlat at sumunod sa mga yapak ni Trisha. Dahil dito ay sinubukang magbagong buhay ni Barbs bilang isang straight sa katauhan ni Bobby. Dito ay nagsimula nang gumulo ang buhay ni Barbs lalo na sa pagdating ng kaniyang ex-boyfriend na si Greg (Kiko Matos), ang muling pagpapakita ng dating kasintahan ni Trisha na si Michaelangelo (Akihiro Blanco), at lalo na sa paglantad ni Yumi (Chai Fonacier) na 'di umano'y dinadalang-tao ang kanilang anak ni Bobby aka Barbs.

Ang Born Beautiful ay sequel sa award-winning at critically-acclaimed na Die Beautiful (2016) kaya naman mataas ang standard na inaasahan ko para sa follow-up movie nito. Nagsimula ang pelikula sa pagkakaroon ng moral dilemma ng bida na maganda sanang konsepto kaso ay hindi nila ito pinanindigan. Bagkus ay bibigyan tayo ng isang pelikulang sa tingin ko'y bad influence para sa mga manonood, higit sa lahat ay inilalagay nito sa masamang katayuan ang LGBTQ+ community na hanggang sa kasalukuyan ay kasama pa rin sa mga oppressed community.

Isinulat si Barbs sa karakter na hindi dapat tinitingala at tinutularan dahil sa mga desisyon nitong para sa aking libro ay imoral, at hindi ang pagiging transgender nito ang tinutukoy ko sa halip ay ang pagkakaroon nito ng dalawang kasintahan, pakikipag-relasyon sa may-asawa at pagtakbo sa responsibilidad ng pagiging isang ama. Gustong ipadala ng pelikula sa mga manonood nito ang mensaheng kailangan nating tanggapin ang ating sarili para maging masaya na simula't sapul ay karapatan nating maranasan. Pero ang ginamit nilang paraan upang bigyan ito ng punto ay hindi maganda na para bang sinasabing ayos lang na makatapak ng tao basta ang mahalaga ay masaya ka.

Maliban sa twisted story ng Born Beautiful ay luma na ang mga jokes na ginamit dito at hindi na tumalab para sa akin. Corny at cringey din ang mga sexual innuendos sa pelikula. Boring ang dalawang love interest nito maliban kay Yumi na siyang nagdala at nagbigay ng kakaibang panlasa sa pelikula sa huling mga minuto ng palabas. Hindi rin marunong umarte ang mga supporting cast. Sa mas positibong komento naman ay madali lang nagampanan ni del Rosario ang comedy at drama aspect ng palabas. Magaling siya sa mga punchlines, marunong din siyang magpaiyak at higit sa lahat ay kayang-kaya niyang maging beki. Nakakalungkot lang dahil hindi maganda ang materyal na pinagbidahan nito.


Poster courtesy of IMDb.


No comments:

Post a Comment