★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Jackie Chan, Sammo Hung, Yuen Biao
Genre: Action, Comedy
Runtime: 1 hour, 45 minutes
Director: Jackie Chan
Writer: Jackie Chan, Edward Tang
Production: Authority Films, Golden Harvest Company, Paragon Films Ltd.
Country: Hong Kong
Noong 19th century ay matindi ang naging hidwaan sa pagitan ng mga Marine Police at Police Force sa Hong Kong. Dahil kasi sa tuluy-tuloy na pagtugis ng mga marino sa mga pirata ay sa kanilang departamento palaging napupunta ang mas malaking budget dahilan upang mapag-iwanan ang mga kapulisan.
Nang isabotahe ng mga pirata ang sasakyang-pandagat ng mga marino ay napilitan si Sergeant Dragon Ma Yue Lung (Jackie Chan) at ang kaniyang pangkat na magpalit ng trabaho at maging normal na pulis at sumailalim sa matinding police training mula sa nakaalitan nitong si Inspector Hong Tin-Tzu (Yuen Biao). Sa kabila nito ay hindi nagpapigil si Dragon na hanapin at hulihin ang mga piratang naghahari-harian sa kanilang karagatan at nang sa gayon ay mapatunayan ang kahalagahan ng pagkakaron ng pulis-marino.
Maikli lang ang magiging review ko dito dahil maikli lang naman ang mga sasabihin ko ukol sa pelikulang ito. Una sa lahat, makalat ang istorya. Maganda, pero magulo ang naging pagkukuwento nito para sa mga manonood. Gayunpaman ay mayroon itong nakakatuwa at magaan na istorya na madaling i-enjoy ng isang manonood na naghahanap ng aliw.
Sagana ang Project A ng mga action scenes. Siyempre ay ito na talaga ang aasahan mo sa isang Jackie Chan movie, mga magagandang action sequences at kahanga-hangang stunt choreographies. Hit or miss ang humor. Minsan ay nakakatawa ang mga banat dito pero mayroon ding mga pagkakataon na corny at cringey ang mga punchlines.
Ang pinakamahalaga sa lahat ay magaling ang cast ng palabas.Maganda ang pagkakasulat sa mga karakter at kahit na comedy-action lang ito ay mayroong maayos na character development ang mga main cast. Maging ang kontrabida ay magaling at nakakabilib.
Poster courtesy of IMDb.
No comments:
Post a Comment