★★★★★★ ☆☆☆☆
Starring: Kris Aquino, Janice de Belen, Manilyn Reynes
Genre: Comedy, Horror
Runtime: 1 hour, 54 minutes
Director: Peque Gallaga, Lore Reyes
Writer: Jerry Lopez Sineneng, Dwight Gaston, Peque Gallaga (story), Lore Reyes (story), Don Escudero (story)
Production: Good Harvest Productions, Regal Films
Country: Philippines
Nahahati sa tatlong istorya ang Shake, Rattle & Roll III. Sa unang kuwento, iikot ito kay Tanya (Kris Aquino) at sa kaniyang anak na binabantayan ng isang multo. Ang ikalawang segment naman ay ang "Ate" kung saan ay mababalitaan ni Rosalyn (Janice de Belen) na pumanaw na ang kaniyang ate na si Rowena (Gina Alajar). Sa pagdayo ni Rosalyn sa tirahan ng kaniyang kapatid ay makikita nitong buhay pa si Rowena, pero ibang-iba na ito mula sa ateng kaniyang nakilala. Pinakahuling kuwento ay ang "Nanay." Dito ay bubulabugin ng isang undin ang boarding house ng bidang si Maloy (Manilyn Reynes) matapos nitong aksidenteng maiuwi ang mga itlog nito.
Dala ng Shake, Rattle & Roll III ang mga classic horror tricks tulad ng mga jump scares at over the top musical scoring, pero sa totoo lang ay nagustuhan ko ang pagiging simple ng mga istorya nito. Walang paliguy-ligoy at tunay na, hindi naman ganoong nakakatakot, pero masasabi kong creepy na kung tayo ang susuot sa kinatatayuan ng mga bida ay talagang mararamdaman natin ang horror element nito.
Sa unang istorya ay ang musical scoring at jump scares nito ang nagdala. Hilaw pa ang acting skills dito ni Aquino at hindi masyadong convincing kaya mabuti na lang at nadala siya ng multo. Ang gumanap sa multo ang nagshine sa segment na ito kahit na itinuturing lang siyang ekstra. Straight to the point ang kuwento kaya diretso agad sa katatakutan. Pinakanagustuhan kong parte nito ay ang pagbalik ng magkapatid sa dati nilang bahay at ang open ending nitong twist.
Ang ikalawang istorya ang pinaka-weak para sa akin. More on psychological horror siya na kinulang sa execution. Nakakatawa nga dahil kahit OA para sa akin ang musical scoring ng segment ni Aquino ay ito ang hinahanap kong elemento dito sa "Ate". Mas malaman ang kuwento nito kumpara sa dalawang istorya ng Shake, Rattle & Roll III pero katulad ng sinabi ko ay hindi gaanong swak ang pagkakasulat nito.
Maganda ang ideya na dagdagan ng komedya ang ikatlong istorya na "Nanay." Ito sa tingin ko ang isa sa mga naging iconic stories ng Shake, Rattle & Roll series. Maganda ang practical effects nito at tunay na nakakatakot ang undin. Magaling ang ipinamalas na pag-arte dito ni Reynes. Damang-dama mo ang emosyon nito. Medyo minabilis lang ang dating ng climax at may mga mangilan-ilang loopholes pero overall ay ito ang pinakanagustuhan ko sa tatlo. May aral, may panakot at may humor. Ikalawa ang "Yaya" na purong katatakutan at ikatlo ang "Ate."
Poster courtesy of Amazon.
No comments:
Post a Comment