Search a Movie

Monday, November 2, 2020

Maze Runner: The Scorch Trials (2015)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Dylan O'Brien, Kaya Scodelario, Rosa Salazar
Genre: Adventure, Sci-Fi, Thriller
Runtime: 2 hours, 11 minutes

Director: Wes Ball
Writer: T.S. Nowlin, James Dashner (novel)
Production: Gotham Group, TSG Entertainment, Temple Hill Entertainment
Country: USA


Matapos mailigtas mula sa maze ang grupo nila Thomas (Dylan O'Brien) ay mananatili sila sa isang pasilidad na pinamumunuan ni Mr. Janson (Aidan Gillen) kasama ang iba pang Gladers na galing ring sa kani-kanilang sariling maze. Subalit hindi magtatagal ang pananatili nila rito nang kanilang mapagalamang nagtatrabaho pala sa WCKD si Mr. Janson.

Sa kanilang pagtakas mula sa naturang lugar ay kinakailangan nila ngayong hanapin ang tulong ng Right Arm, ang grupong tumutuligsa sa WCKD na nagtatago sa bulubundukin. Subalit upang mahanap ang nasabing grupo ay kinakailangan nilang dumaan sa disyertong tinatawag na Scorch, kasabay nito ay kailangan din nilang harapin ang mga "cranks" at umiwas sa Flare virus.

Kung umaasa ka pa rin na kahalintulad ng Maze Runner ang source material nito na isinulat ni James Dashner ay madidismaya ka lang. Malayung-malayo ang dalawa at ang tanging pagkakapareho lang nila ay ang premise nito. Katulad sa naunang pelikula ay magkaiba ng plotline ang Maze Runner: The Scorch Trials sa libro nitong Scorch Trials. Nabagalan ako sa usad ng istorya sa totoo lang dahil na rin siguro sa kawalan ng ganap sa mga supporting characters na medyo useless sa palabas na ito. Minimal lang ang dialogue kaya mahirap makabuo ng emotional connection.

Dahil nabasa ko na ang libro ay inaasahan ko na ang twist ng palabas pero mararamdaman mo pa rin ang impact nito. Na-enjoy ko ang panonood sa climax ng pelikula dahil kay Brenda (Rosa Salazar) na maganda ang character development, astig, palaban, at independent. Nakakapanghinayang lang na ang plot nito ay naging tipikal na zombie movie kung saan ang main goal ng mga karakter ay ang hanapin ang safe haven at maka-survive mula sa virus. Nawala ang trial katulad ng sinasabi sa titulo ng palabas.

Pagdating sa teknikal, hindi nagkulang dito ang production team. Maganda ang apocalyptic world na ipinakita nila gamit ang CGI. Mahahatak ka sa fictional world na kanilang binuo. Maganda ang costume design, make-up, set design at props. Ang isyu ko lang ay saka lang nagkakaroon ng zombie kapag kinakailangan katulad ng jumpscare, iba sa mundong gusto nilang ipadama kung saan ay bawat sulok ng mundo ay mapanganib.

Overall ay enjoy naman pa ring panooring ang Maze Runner: The Scorch Trials. Kinulang nga lang sa acting department dahil nga wala namang masyadong kaganapan sa unang kalahati ng palabas. Napagana nito ang iba't ibang emosyon ko bilang manonood kahit na minsan ay maraming posey shots na para bang Avengers team na may group shot bago ang laban.


Poster courtesy of IMP Awards.


No comments:

Post a Comment