Search a Movie

Tuesday, November 21, 2023

The Cheating Game (2023)

5 stars of 10
★★★★★ ☆

Starring: Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Martin Del Rosario
Genre: Romance
Runtime: 1 hour, 45 minutes

Director: Rod Marmol
Writer: Rod Marmol, Jessie Villabrille, Sharon Masula
Production: GMA Pictures, GMA Public Affairs
Country: Philippines


Isang content creator si Hope (Julie Anne San Jose) na nahaharap sa isang matinding break-up matapos niyang malaman na ang nobyo niyang si Brian (Martin del Rosario) ay mayroon palang viral sex video kasama ang ibang babae.

Matapos ang break-up, pinilit ni Hope na mag-move on. Naghanap siya ng ibang trabaho at nagsimula ulit. Pero sa bagong simula na kaniyang tinahak, bigla na lang dumating sa buhay niya ang misteryosong lalaki na si Miguel (Rayver Curz) na siyang magiging katuwang niya sa kaniyang moving on process.

Maganda ang humor ng palabas. Dito kakapit ang audience para panoorin ang pelikula. Nagulat ako dahil magaling naman pala ang timing ni San Jose pagdating sa comedy. Ibang atake ang ipinakita niya rito kumpara sa ibang mga proyektong pinagbidahan niya. Convincing siya pagdating sa karakter na kaniyang ipino-portray kaso nga lang medyo nahirapan siyang mag-switch from comedy to drama.

Maganda rin ang chemistry nila San Jose at Cruz isang bagay na wala sila ni del Rosario. Siguro, malaki ang naitulong ng pagiging real-life couple nila. Maganda rin ang song choices para sa soundtrack, pinaghalong pop at hugot na bumagay sa tema ng palabas.

Pagdating sa kuwento, maayos ang narrative nito sa first half kaso nga lang biglang tumalon ang kuwento at napunta agad ito sa climax. Para bang na-realize ng buong team na paubos na ang oras kaya kailangan na itong tapusin. In short, minadali ang ending nito. Dahil dito ay nadamay ang flow ng story. Biglang nagkaroon ng character development ang supposedly ay antagonist ng palabas. Ni wala man lang siyang ginawa para maging kontrabida maliban sa ilang eksena na nagmamaldita siya. Bigla ring lumabas ang mga twist out of the blue. Wala man pasabi ay hindi pa rin ito nakakagulat para sa akin dahil hindi maganda ang naging execution nito. Isa pa ay expected ko na ang sagot sa misteryong binuo nila. Sayang dahil para silang nagbigay ng  joke na maganda sana pero waley ang naging pagbitaw ng punchline nito.

Overall, maganda sana ang kuwento kung maayos ang naging paglatag ng kuwento. 'Yun nga lang, parang walang direksyon ang naging panulat nito at nasayang ang isa sanang magandang material dahil sa pagiging magulo ng naratibo.


© GMA Pictures

No comments:

Post a Comment