Search a Movie

Wednesday, November 22, 2023

Barbie (2023)

6 stars of 10
★★★★★★ ☆☆☆☆

Starring: Margot Robbie, Ryan Gosling
Genre: Adventure, Comedy, Fantasy
Runtime: 1 hour, 54 minutes

Director: Greta Gerwig
Writer: Greta Gerwig, Noah Baumbach
Production: Heyday Films, LuckyChap Entertainment, NB/GG Pictures, Mattel Films
Country: USA, United Kingdom


Perpekto nang maituturing ang buhay ni Barbie (Margot Robbie). Masaya na siya sa araw-araw niyang routine kung saan ang bawat galaw at pangyayari sa buhay niya ay walang bahid ng problema. Kaso nga lang nagsimulang magkaroon ng suliranin si Barbie noong bigla siyang makaramdam ng pagbabago sa kaniyang panlabas na anyo at sa estado ng kaniyang kaisipan.

Sa takot na mawala sa kaniya ang perpekto niyang buhay ay susuungin ni Barbie ang mundo ng mga tao para solusyunan ang kaniyang problema at alamin kung sino o ano ang nasa likod ng problemang ito.

Napaka-meaningful ng palabas na ito lalo na pagdating sa usapang feminism. Magandang representation ang pelikula para ipakita sa lahat ang matagal nang ipinaglalaban ng mga kababaihan. Literal na "if the roles were reversed" ang tema ng pelikula para maipaintindi sa mga manonood ang kahalagahan ng equality nang hindi masyadong ipinapamukha sa mga tao ang nais nitong iparating na aral.

Ang ikinaganda nito ay catered ang palabas sa parehong bata at matatanda. Naka-depende na lang sa nanonood kung paano ang magiging interpretation niya sa kaniyang pinapanood kung tatanggapin mo ba ito bilang isang pelikula na may malalim na kahulugan o palabas na mayroong simpleng naratibo.

Pagdating sa kuwento, naiintindihan ko ang sky's the limit na pagbali nito sa realidad dahil hindi naman talaga totoo ang Barbie World. Isa lang itong imahinasyon na binuo mula sa pagkatao ni Barbie. Subalit noong ikinonekta na ito sa tunay na buhay, doon na nagkaroon ng mga katanungan. Bumaliko ang mga rules at hindi na gaanong maintindihan kung papaano at ano ba ang mga dapat sinusundan pagdating sa patakaran sa barbie world at real world. Katulad na lang sa "portal" papuntang barbie world at kung paano naging ganoon ang ending ni Barbie. Hindi na ito masyadong nabigyan ng explanation kung paano ito nangyari.

Tiyak na magugustuhan ng mga tao ang pelikula lalo na sa mga taong lumaki at nakahiligan na ang kultura ng pagkakaroon ng barbie doll. Punung-puno ito ng references na maaaring hindi gaanong makukuha ng mga casual viewers pero kagigiliwan naman ng mga taong mahilig sa ganitong klase ng laruan. Mayroon naman itong simpleng kuwento na kung huhukaying maigi ay may magandang aral na nais iparating.

Maganda ang ipinamalas na pag-arte rito ni Robbie at medyo over the top naman si Gosling at iba pang karakter sa kani-kanilang role na isinabuhay. Hindi ito problema para sa akin dahil over the top naman din ang mundo ni Barbie kaya puwede na itong palampasin.


© Heyday Films, LuckyChap Entertainment, NB/GG Pictures, Mattel Films

No comments:

Post a Comment