Starring: Leah Lewis, Mamoudou Athie
Genre: Animation, Adventure, Comedy
Runtime: 1 hour, 41 minutes
Director: Peter Sohn
Writer: John Hoberg, Kat Likkel, Brenda Hsueh, Peter Sohn (story)
Production: Walt Disney Pictures, Pixar Animation Studios
Country: USA
Sa mundo kung saan ang mga elemento ay may sariling buhay, lumaki ang fire element na si Ember Lumen (Leah Lewis) kung saan ang mga tulad niya ay nakatatanggap ng diskriminasyon. Simula pagkabata, isang bagay lang ang gusto niyang makamit at ito ay ang manahin ang kanilang family business na ipinatayo pa ng kaniyang ama. Pero sa kaniyang pagtanda, mapapaisip si Ember kung ang pamumuno ba sa negosyo ng pamilya nila ang bagay na gusto niya talagang gawin hanggang sa pagtanda niya.
Ang mga plano niya sa buhay ay unti-unting magugulo lalo na sa pagdating ni Wade Ripple (Mamoudou Athie), isang water element, na isa rin sa mga magiging dahilan kung bakit manganganib ang negosyong pinaghirapan ng tatay ni Ember.
Uunahin ko na kung ano ang mga nagustuhan ko sa palabas, walang iba kundi ang animation nito. Makulay at masarap itong panoorin lalo na't nabigyan nila ng buhay, personalidad at sariling mundo ang mga bagay na karaniwan ay hindi natin pinapansin. Kaso nga lang, napaka-tipikal na ng naging istorya ng Elemental. Isa itong romantic-adventure movie na parang ilang beses na ring nagamit sa iba pang pelikula.
Mataas ang naging expectation ko sa pelikulang ito dahil gawa ito ng Disney at Pixar pero para bang nawala ang magic nila sa palabas na ito. Hindi ito kasing exciting na tulad ng mga nauna nilang prinoduce. Siguro dahil masyado itong preachy lalo na sa obvious na paghahalintulad nila sa problema ng lipunan natin katulad ng xenophobia - na hindi na rin bago.
Walang spark ang me-against-the-world na love story ng dalawang bida hindi dahil hindi sila bagay kundi dahil hindi naging maganda ang development ng karakter nila. Cliche na rin kasi ang kuwento nilang dalawa kaya may umay factor na rin. Hindi rin pasok ang humor ng palabas at masyadong dry ang mga kaganapan. Kinulang ng thrill at para bang sinusundan mo na lang ang kuwento para matapos na ito.
Nasayangan ako sa material dahil boring ang storyline nito, masyadong makalat at magulo. Mabilis na naresolba ang mga conflict kaya parang nagmamadali ang bawat tagpo. Mabuti na lang at maganda ang visuals ng pelikula kaya pasado na ito para sa mga bata.
© Walt Disney Pictures, Pixar Animation Studios
No comments:
Post a Comment